Buntis na biglang napaanak sa mall, nanganak na rin noon sa taxi

Buntis na biglang napaanak sa mall, nanganak na rin noon sa taxi

-Bigla na lamang daw pumutok ang panubigan ng isang ginang sa CDO kaya naman tuluyan na itong napaanak sa labas ng isang mall doon

-Ngunit hindi daw ito ang unang beses na napaanak ang ginang sa labas

-Taong 2017 naman nang ipinanganak nito ang ika-limang anak sa loob ng isang taxi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa labas na lamang ng mall umire ang isang ginang na si Jaira Honey Mae Gawat, 23-anyos, sa Cagayan de Oro nang biglaan daw pumutok ang kanyang panubigan.

Ayon sa panayam dito ng ABS-CBN News, nasa mall sila ng anak upang bumili ng mga gamit sa eskwelahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit doon na siya inabutan nang panganganak. Nanghina na rin daw siya kaya naman napa-upo na lamang siya sa hagdan sa labas ng establisyemento.

Sa kabutihang-palad ay mayroong mga nag-iimpeksyong ilang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lugar na siya namang isa sa mga tumulong sa ginang.

Nailuwal na raw ang bata nang dumating sila sa pinangyarihan.

Ligtas at malusog naman ang sanggol babae na pinangalanang Jhailhea at may timbang itong 3.4 kilos ayon sa midwife ng barangay na si Marisa Viernes.

Ngunit napag-alamang hindi pala ito ang unang beses na nanganak ang ginang sa labas ng ospital.

Taong 2017 nang ipinanganak nito ang ika-limang anak sa loob ng isang taxi.

Nagpaalala naman ang midwife tungkol sa kahalagahan ng pre-natal check up at mas makabubuti raw na manatili na lamang sa bahay kung kabuwanan na.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Beauty Gonzalez admits staying in a separate tent from Dimples Romana

Beauty Gonzalez admits staying in a separate tent from Dimples Romana

Beauty Gonzalez opens up about staying in a different tent from Dimples Romana
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel