Misis na inakusahang may ibang lalaki, iniwan ang mister na nagda-dialysis

Misis na inakusahang may ibang lalaki, iniwan ang mister na nagda-dialysis

-Humingi ng tulong ang isang lalaki sa programa ni Raffy Tulfo upang makausap ang misis na iniwan daw siya kahit pa siya ay may malubhang sakit

-Ang masakit pa nito, nadiskubre pa daw ni mister na mayroon na itong ibang lalaki

-Depensa naman ni misis, gawa-gawa lamang ng asawa ang mga ibinibintang sa kanya at ito daw mismo ang taksil

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mukhang nanghihina pa ang isang complainant sa Aksyon sa Tanghali ng News5 na inirereklamo ang kanyang misis na iniwan daw siya sa kabila ng kanyang malubhang dinaramdam.

Napag-alamang sumasailalim pala sa dialysis ang lalaki na si Jake Mansanero dahil sa kanyang sakit. Hindi na rin daw ito nakakapagtrabaho dahil dito.

Sa kabila nito, nagawa pa raw siyang iwan ng kanyang misis na si Angel Aguilar Mansanero.

Ang masakit pa, nadiskubre niya umano na mayroon nang ibang lalaki ang asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napatunayan niya raw ito nang minsan niya ginamit ang Facebook account ni Angel at doon na nga sila nagkasagutan ng lalaki ni misis.

Nagpanggap pa raw si Jake na siya ang kanyang misis upang mahuli ang lalaki sa chat messages.

Ngunit nang makausap ni Raffy Tulfo ang inirereklamong ginang, mariin nitong itinanggi ang akusasyon ng asawa.

Gawa-gawa lamang daw ni Jake ang mga ibinibintang nito sa kanya at sa halip ay isiniwalat ang pagtataksil diumano nito.

Ayon kay Angel, may gusto raw ang asawa sa kanyang kapatid na itinanggi naman ni Jake.

Itinanong naman ni Tulfo kung bakit hindi nito ginagamit ang apelyido ni Jake ganung kasal naman sila.

Aguilar pa rin kasi ang ginagamit nito at hindi naman ito itinanggi ni Angel dahil nakasanayan lang daw nito.

Hindi naman sang-ayon dito si Tulfo lalo pa at inaakusahan ito ni Jake na nanglalalaki.

Gaunnpaman, nagkasundo sa huli ang dalawa na mag-usap at magkita sila sa programa dahil na rin sa kagustuhan ni Jake na bumalik sa kanya ang asawa.

Hindi naman nakalimutan ni idol Raffy na magbigay ng tulong para kay Jake.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Canadian, nilayasan ng misis na Pinay na mayroon daw karelasyon na lesbian

Canadian, nilayasan ng misis na Pinay na mayroon daw karelasyon na lesbian

Canadian, dumulog kay Raffy Tulfo para makausap ang misis na Pinay na naglayas
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel