Viral video ng nagtatalong driver at pasaherong naka-Grab share, hinusgahan ng netizens

Viral video ng nagtatalong driver at pasaherong naka-Grab share, hinusgahan ng netizens

- Viral ngayon ang video ng Grab share driver at ang pasahero nito

- Makikita ang sa video ang takbo ng kanilang pinagtatalunan at makikita rin

- Maging ang mga netizens ay tila napagtalunan na rin kung sino nga ba ang mali sa nagtatalong driver at pasahero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang viral video na binahagi ng Facebook page na Kaijuzoku Memes kung saan makikita ang nagtatalong Grab driver at kanyang pasahero.

Reklamo kasi ng pasahero, inabot ng mahigit dalawang oras ang kanyang biyahe at wala pa rin siya sa kanyang destinasyon.

Inaakusahan nito ang driver na walang konsiderasyon at nakuha pa siya i-pick up gayung iba raw ang ruta niya kumpara sa ibang sakay dahil sila ay naka-Grab share.

Paliwanag ng driver, may kalayuan talaga ang destinasyon ng babae na mula pa raw Fairview patungong Pasay. Dumagdag pa rito ang traffic lalo pa at Sabado.

Di tinanggap ng pasahero ang paliwanag ng driver at patuloy pa ring sinasabi na wala itong konsiderasyon sa kanya.

Sa caption ng naturang post, makikita ang simpleng paliwanag na kapag Grab share ang iyong napiling serbisyo, automatic na si Grab ang gagawa ng booking ng mga pasaherong ipi-pick up ng driver. Malinaw na hindi ang driver ang nagdedesisyon sa bagay na ito.

Ito rin ang sumunod na paliwanag ng driver sa kanyang pasahero na muli, di pa rin nito natanggap. Giniit pa nito na babayaran na lamang niya ang parehong halaga ng binayad ng huling pasaherong bumaba.

Muling pinaliwanag ng driver na di ito maaari dahil hindi ito ang napagkasunduang halaga na makikita naman niya sa Grab app niya.

Dahil dito, maging ang mga netizens ay humusga kung sino nga ba ang nasa katwiran sa dalawa.

May ilang nagsasabi na tama ang pasahero sa sinasabi nitong walang konsiderasyon ang driver habang marami naman ang nagsasabing dapat naintindihan ng pasahero na automatic na gumagawa ng booking ang Grab at di ang tsuper ang nagdedesisyon kung sino ang pasaherong magkakasama sa Grab share.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Ate kaya nga po Grab Share kasi nga SHARE e may kahati ka, di naman pwd na ikaw lang isa dahil alam mong simula't sapul madami kayo. Boom!"
"Hay nako nag mamadali ka pala sana nag angkas ka nalang."
"Actually, may mismatch routes talaga kapag nakaGrabShare ka. Minsan nakalagpas na kayo may babalikan pa kayo to pick up another passenger, tipong iikot pa kayo ulet."
"Grab ang nag bi2gay ng booking qng nag ma2dali k mag grab car ka o kaya mag eroplano"
"Wag po mag-grab share kung aangal sa travel time at kagagalitan ang driver. Mag Grabcar lang mismo. Pero dapat willing din magbayad!"
"Next time ate wag mag grab share yan tuloy ngyare sayo fyi ate kahit malayo payan basta nag book ung ka share mo wala ka magagawa"
"Sorry pero ganyan po talaga sistema ng grabshare. Kaya para lang dun sa hindi nagmamadali ang grabshare mamshie"

Orihinal na binahagi ni Edwin Sy ang video at umani na ito ng mahigit 253,000 views, 3,500 reactions, 2,100 comments at 3,200 shares ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel