"Bampira Usog," nag-trending sa It's Showtime KapareWho

"Bampira Usog," nag-trending sa It's Showtime KapareWho

- Nag-trending si "Bampira Usog" sa It's Showtime KapareWho

- Marami ang naintriga na mga netizens at viewers ng Kapamilya noontime show

- Ito ay dahil nauwi sa panghuhula ang mga tao kung sino ang naturang lalaki dahil may kamukhang aktor umano ito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na nag-trending ang batikang aktor na si Mon Confiado sa socmed.

Ito ay dahil sa pagkakaintriga ng mga netizens at madlang pipol sa tunay na pagkatao ng lalaki sa likod ng maskara sa It's Showtime KapareWho na kinilala bilang si "Bampira Usog."

Sa naturang segment ng Kapamilya noontime show, ang huli ay isa sa mga tinaguriang "seekers," ayon pa sa balita ng news.abs-cbn.com.

Naki-join daw ito sa mga series of tasks para makatulong sa dalawang babae kung sino ang kanilang mapipiling date companion sa tatlong lalaking pagpipilian nila na hindi nakikita ang isa't isa.

Habang nagpapatuloy ang naturang segmen ay marami ang nakapansin na may hawig si "Bampira Usog" sa aktor na si Mon Confiado.

Ang iba naman ay sa boses nila nakitaan rin ng pagkahawig.

Kaya naman pinag-usapan ito ng husto at nag-trending sa Twitter ang pangalan ng aktor dahil sa maraming haka-haka ng madlang pipol tungkol sa kanya.

Lalong lumakas ang mga ispikulasyon dahil sa nauwi sa panghuhula ang lahat nang hindi mapili ito ng mga babae kaya hindi naibulgar ang tunay niyang hitsura o katauhan.

Narito ang iilan sa mga komento mula sa online world:

"Basta ang alam ko, siya ung Security Guard sa Feng Shui."
"Hula ko kanina si Mon Confiado,sa boses at pormahan pa lang."
"Si Emilio Aguinaldo yan!"

Si Mon Confiado ang gumanap bilang si Emilio Aguinaldo sa pelikulang 'GOYO: ANG BATANG HENERAL' na pinagbidahan ni Paulo Avelino.

Sa FB page mismi ng It's Showtime ay pinakilala na si Mon Confiado nga si "Bampira Usog."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Chienna Filomeno slams netizen who criticized GT’s ‘failed’ dance number on Showtime

Chienna Filomeno slams netizen who criticized GT’s ‘failed’ dance number on Showtime

Chienna Filomeno breaks silence on GirlTrends’ ‘failed’ dance number on Showtime
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel