Empleyadong may down syndrome, pinuri ng customer dahil sa maayos na serbisyo

Empleyadong may down syndrome, pinuri ng customer dahil sa maayos na serbisyo

- Napabilib ng isang empleyado sa isang botika ang kanyang customer dahil sa maayos nitong serbisyo

- Sa kabila kasi ng kondisyon ng empleyado, maayos nitong nagagampanan ang kanyang trabaho

- Pinuri rin ng customer ang botika dahil sa pagbibigay nito ng oportunidad sa mga kagaya ng empleyado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng netizen na si Kris Lee patungkol sa naging karanasan niya sa isang empleyado ng South Star Drug.

Napansin kasi niyang may down syndrome ang empleyado ngunit mas lalo siyang namangha dahil maayos nitong nagampanan ang kanyang trabaho.

Maayos daw nitong binilang ang sukli at sinigurong tama ang ibibigay na binibili ng customer.

Magalang din daw ito at sinabing "Sir eto napo gamot nyo, eto na po resibo, eto na po sukli... thank you very much po, balik po kayo!"

Sa labis nga raw na tuwa ng netizen, kulang na lamang ay magbigay siya ng tip sa empleyado gaya ng mga maaring gawin sa restaurant.

Nakatutuwa lamang daw isipin na ang isang kagaya nitong mayroong kondisyon ay nakagagawa ng maayos na trabaho kumpara sa iba na masasabing normal o walang anumang karamdaman.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakadagdag pa raw ang ngiti nitong di maalis sa lahat ng mga taong nakakasalamuha niya partikular na ang kanyang mga customer.

Pinasalamatan din ni Kris ang botika dahil sa pagbibigay ng oportunidad sa mga kagaya ng naturang empleyado. Tila isang pinto itong nagbukas sa kanila na mayroon silang kayang gampanan sa lipunan.

Sana lamang daw ay pamarisan ito ng ibang kompanyang nagpapakita ng malasakit at suporta sa may mga down syndrome.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel