Dating "siga", nagbago para mapag-aral ang GF na nagtapos bilang Cumlaude

Dating "siga", nagbago para mapag-aral ang GF na nagtapos bilang Cumlaude

-Nakakabilib ang love story ng mag-nobyong naitampok sa kamakailang sa Wowowin

-Ang babaeng contestang buong pagmamalaking ibinahagi na siya ay nakapagtapos dahil sa tulong ng kanyang nobyo na dati daw siga

-Sinuklian naman ito ng dalaga dahil nagtapos ito bilang Cumlaude

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahanga-hanga at nakakabilib ang love story ng mag-nobyong Rara at Ador na napanood sa programang Wowowin kamakailan.

Bumilib si Willie Revillame sa istorya at mga pinagdaanan ng dalawa.

Napag-alaman kasi na dati palang gangster o siga sa kanilang lugar si Ador.

Ngunit nagbago para sa kanyang nobyang si Rara.

Tulad ng maraming Pilipino, nakaranas ng paghihirap si Rara at ang pamilya nito kaya naman kinailangan nitong mag-trabaho at huminto sa pag-aaral.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pero ang kanyang nobyo, gumawa ng paraan at naghanap ng trabaho para makapag-aral ang kanyang nobya.

Hindi naman ito binigo ni Rara dahil nagtapos ang dalaga bilang Cumlaude.

Sa panayam dito ni kuya Wil, malaki ang pasasalamat ng dalaga sa kanyang nobyo na binago ang sarili para sa kanya.

Para naman kay Ador, nagbago siya kay Rara at para na rin sa kanilang hinaharap.

Tunay na pag-ibig ika nga ng marami. Pag-ibig na busilak at handang magsakripisyo para sa minamahal.

Sa isang ulat naman ng KAMI, isang transwoman na nagtapos bilang Cumlaude ang pinatunayan na hindi hadlang ang diskriminasyon para maabot ang pangarap.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel