Ismarteng aso na marunong magmasahe at maggitara, viral online

Ismarteng aso na marunong magmasahe at maggitara, viral online

-Instant sikat at marami nang fans ang asong si Milo dahil sa kanyang talino

-Sa isang viral video, makikita itong naggigitara, nagmamasahe at nautusan pang kumuha ng inumin sa ref

-Kaya naman 'di na kataka-takang umani ng papuri ang aso mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nautusang kumuha ng inumin sa refrigerator, marunong mamili ng pagkain, minasahe ang amo at naggitara pa!

Ito ang ilang lamang sa kanyang gawin ng asong si Milo sa isang viral video mula sa Facebook page na Milo and Friends, na umani ng mahigit limang milyong views!

Wow!

At ang viral dog na ito, marunong din daw magbasa na ipinakita rin sa video.

Kaya naman hindi na kataka-takang maraming netizens ang naaliw at humanga sa ismarteng aso.

Ang ilan sa kanila, nagpahayag rin ng paghanga para sa trainer at amo nito para sa mahusay nitong pangangalaga kay Milo.

"Wow bravo MILO."

"Nakakatuwa nmn ung aso nyo po na aaliw ako pag pinapanood."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Galing ni milo bibong dogie."

"Galing Naman po ni Milo panong training po ginawa nio."

"Wow Ang galing Naman Ni Milo maronong mag massage ilove you Milo."

"Milo sobrang cutee mo sana dumami lahi mo."

Nakakatuwang ang mga katulad ni Milo ay nagbibigay saya sa marami sa atin, hindi lamang sa kanilang pagiging loyal kung hindi dahil na rin sa kanilang mga cool tricks!

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, isa pang viral dog na si Bubuy ang hinangaan rin sa social media.

Si Bubuy ang asong nasa isang viral video kung saan ito nakitang matiyagang naghihintay sa labas ng faculty room kung saan tila hinihintay ang kanyang among guro na yumao na.

Marami ang naantig sa istorya nito at nang yumao nitong bestfriend.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel