Lalaki, sinabing nakita raw si 'Kamatayan' bago mamatay ang kanyang ina at ate

Lalaki, sinabing nakita raw si 'Kamatayan' bago mamatay ang kanyang ina at ate

-Dalawang beses umanong nakita ng binatang si Ren ang God of Death o si Kamatayan

-Sabi pa nito, pagkatapos niyang makita ang naka-itim na imaheng ito na sinabi nga niyang si Kamatayan ay namatayan siya ng mga minamahal

-May paliwanag naman dito ang mga paranormal experts

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakakilabot at nakakapanindig-balahibo ang naging experience ng binatang si Ren Martin na nakita umano si Kamatayan!

Hindi lamang isa kung hindi dalawang beses niya umanong nakaharap ang kinatatakutang God of Death!

Ayon sa kwento ni Ren nang makapanayam ito ng programang AHA ng GMA News, noong unang beses daw niyang makita si Kamatayan ay tila may nakadagan sa kanyang dibdib.

Hindi rin umano siya makahinga ng maayos at nang magdilat siya ng mga mata ay nakita niya ang isang imahe na tila lalaki at itim na itim!

Nakumbinsi pa ang binata na ito na nga si Kamatayan nang makalipas lamang ang ilang araw ay pumanaw ang kanyang ina dahil sa sakit.

Ikalawang beses naman niyang makita ang God of Death sa isang library. Nakatulog daw ang binata doon at ginising lamang ng isang kakilala.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang maalimpungatan umano ito ay nakita niyang muli ang imaheng itim na pinaniniwalaan nga nitong si Kamatayan.

At makalipas ang ilang araw ay namatay naman ang kanyang nakatatandang kapatid.

Ngunit ayon sa mga paranormal experts, ang naging karanasan ni Ren ay may mga posibleng dahilan rin at hindi rin masisigurong totoo.

Una, posibleng bunga ito ng pagkawala ng minamahal nito sa buhay at normal sa mga tao ang maghanap ng masisisi.

Ikalawa naman ay maaaring dahil sa siya ay bagong gising kaya naman posibleng produkto lamang ito ng pag-a-adjust ng ating mga mata.

Ganunpaman, wala pa ring makapagsasabi kung ang mga bagay sa dako pa roon ay totoo o gawa-gawa lamang ng malikhaing isip ng mga tao.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Canadian, nilayasan ng misis na Pinay na mayroon daw karelasyon na lesbian

Canadian, nilayasan ng misis na Pinay na mayroon daw karelasyon na lesbian

Canadian, dumulog kay Raffy Tulfo para makausap ang misis na Pinay na naglayas
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel