13-anyos na bangkero, pursigidong makapagtapos sa kabila ng hirap ng buhay

13-anyos na bangkero, pursigidong makapagtapos sa kabila ng hirap ng buhay

-Kahit na hirap sa buhay, nanatiling determinado ang 13-anyos na si Lito na makapagtapos ng pag-aaral

-Anito, magsisikap siyang kumayod para makabili siya ng gamit sa eskwela

-Nananawagan naman ang tiyahin nito sa mga may mabubuting puso na tulungan ang kanyang masikap na pamangkin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

13-anyos na ngunit nasa grade 4 pa lamang ang batang si Lito Baguio Jr. sa Romana Acharon Elementary School, sa General Santos City.

Mahirap lamang ang buhay ng pamilya ni Lito ngunit sa kabila ng mga dinaranas, nanatiling determinado ang bata na makapagtapos ng pag-aaral.

Sumasama ito sa kanyang ama na isang bangkero na maghatid ng mga pasahero araw-araw upang may maipang-tawid sila sa buhay.

Naitampok ang kanilang istorya sa GMA News sa ulat ni Bam Alegre.

Sa panayam dito, sabi ni Lito, gusto niyang makabili ng mga gamit pang-eskwela kaya naman kakayod daw ito ng mabuti.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Magsisikap ako para makabili kami ng gamit ni Papa," anito.

Ngunit isang linggo na lang ay magsisimula na ang pasukan para sa taong ito kaya naman nananawagan ng tulong ang tiyahin ni Lito na si Marinel Elardo.

"Sana may makatulong sa kanila, yung may mabuting kalooban. Sana makatulong sila sa pamangkin ko sa pag-aaral," sabi ng ginang.

"Ayaw niyang huminto [sa pag-aaral] kahit hirap sila," kwento Elardo. "Minsan naglalakad lang siya kung walang pera."

Para sa isang musmos na katulad ni Lito, kahanga-hanga ang pagpupursige nito na magkaroon ng sapat na edukasyon sa kabila ng mga 'di birong dinaranas nito.

Hangad ng KAMI ang tagumpay ni Lito at sana rin ay mapansin ito ng mga taong may ginintuang puso na posibleng maging daan para sa magandang hinaharap nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding

Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding

Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel