Gusgusing pulubi na ilang beses tinaboy ng guard sa 1 mall, bumili ng cellphone

Gusgusing pulubi na ilang beses tinaboy ng guard sa 1 mall, bumili ng cellphone

-Gusgusin at mukhang walang pera ang lalaki na pumasok sa mall para pala bumili ng cellphone

-Ayon pa sa sales personnel na nag-assist dito, hindi man lang nagtanong ng presyo ang lalaki at 'di rin humingi ng discount

-Ilang beses din umano itong sinundan at pinaalis ng mga gwardiya sa mall

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marungis, may dalang maruming sako at mukhang walang pangbili ng sariling pagkain. Ganito maididiskubre ang isang lalaki sa isang viral post sa social media.

Ayon sa netizen na si Pimpim Cooper na siyang uploader ng post, ginulat ng lalaki ang marami sa isang mall sa Thailand nang bumili ito ng cellphone.

Sa isang artikulo ng Rachfeed kung saan naitampok rin ang viral post, sinabing makailang beses rin umanong sinundan at pinaalis ng mga gwardiya ng mall ang lalaki.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit ipinagtanggol naman ito ni Cooper na siyang sales personnel na nag-assist sa lalaki at sinabing customer nila ito.

Bagamat masasabing isa itong pulubi base na rin sa itsura nito, hindi man lamang daw humingi ng discount ang lalaki.

Sa halip, naglabas ito ng pera mula sa dala nitong sako.

Matiyaga rin itong naghintay sa labas ng tindahan habang binibilang ni Cooper ang mga ibinayad nitong perang papel.

Humingi pa raw ito ng paumanhin dahil sa mga ibinayad nitong pera na maliliit ang halaga at mukhang inipon lamang nito.

Mayroon pa umanong mga netizens na naniniwalang ninakaw ng lalaki ang pera ngunit marami rin ang nagsabing posibleng inipon niyo iyon para makabili ng cellphone na gusto nito.

Samantala, sa isang ulat naman ng KAMI, isang babaeng pulubi ang namatay sa saksak matapos makipag-away sa isa ring pulubi.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel