Pagsaksak sa 1 babaeng pulubi ng kapwa pulubi, sapul sa CCTV

Pagsaksak sa 1 babaeng pulubi ng kapwa pulubi, sapul sa CCTV

-Posibleng away sa pwesto ang ugat ng away ng dalawang namamalimos sa MRT Boni Avenue Station na ikinasawi ng isa sa kanila

-Ang pangyayari, nakuha sa CCTV maging ang aktwal na pananaksak sa biktima

-Dead on the spot ang babaeng pulubi na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala nang buhay nang datnan ng medical team ang isang babaeng pulubi sa MRT-3 Boni Station at may saksak sa dibdib.

Sa kuha ng CCTV mula sa UNTV, makikita ang biktima na may kaaway na isang lalaki na posible umanong isa ring pulubi.

Ayon sa ulat ni Emil Sumangil sa Saksi, bandang 2:30 ng hapon nangyari ang insidente.

Matapos ang tila ilang minutong sagutan, maya-maya pa'y makikita ang suspek na sumenyas sa biktima ng masama gamit ang daliri.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, binato ito ng biktima. Gumanti naman ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima at tsaka tumakas.

Makikitang napa-upo ang babaeng pulubi na tila nanghihina at ilang sandali pa ay napahiga na ito sa lugar.

Wala namang kamalay-malay ang mga taong dumaraan na malubha na ang lagay ng biktima bago dumating ang mga gwardiya.

Ayon sa PNP, posibleng away sa pwesto ang naging ugat ng away ng dalawa.

Palagi na umano roon ang biktima para mamalimos habang ang suspek naman ay bago lamang sa lugar.

Wala pang pagkakakilanlan ang dalawa batay na rin sa report ng mga pulis.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Groufie' ng mga bata sa isang fast food chain, ikinatuwa ng mga netizens

Groufie' ng mga bata sa isang fast food chain, ikinatuwa ng mga netizens

Groufie' ng mga bata sa isang fast food chain, ikinatuwa ng mga netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel