Tapat na jeepney driver at pasahero nito, nagsauli ng naiwang P400k ng isang OFW

Tapat na jeepney driver at pasahero nito, nagsauli ng naiwang P400k ng isang OFW

-Hindi nag-dalawang isip ang isang jeepney driver at isang psahero nito nang isauli ang naiwang malaking halaga ng isang OFW

-Agad daw isinauli ng dalawa ang pera na nagkakahalaga ng mahigit na P400k sa presinto

-Laking tuwa naman ng OFW nang maibalik sa kanyang ang perang tiyak na pinaghirapan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Malaki ang pasasalamat ng isang overseas Filipino worker (OFW) nang maibalik sa kanya ang kanyang naiwang pera sa isang jeep.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Loida Braunstein, walang pag-aalinlangang isanauli ng jeepney driver na si Jimmer Denson at ng isang pasahero nito na si Erwil Agyapas ang pera.

Nakita umano ni Agyapas ang ilang bundle ng dolyar na pera habang siya ay nakasakay sa jeep ni Denson.

Sinabi raw nito sa driver ang nadiskubreng pera na umabot sa Php421,791 at napagkasunduang i-surrender sa Tublay, Benguet municipal police station.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, ipinagmalaki ng alkalde ng Tublay na si Mayor Armand Lauro ang katapatan ng dalawa.

Sabi pa ng mayor, sa ipinakita ng mga ito ay naniniwala siyang mayroon pang mga tao na mas pipiliin pa ring maging tapat sa kapwa.

Makakatanggap ng award at kikilalanin ang katapatan ng dalawa sa founding anniversary ng kanilang bayan sa Nobyembre.

“With what you did, it made me believe that there are indeed people like you who return money without second thoughts.

"This is a good reflection for our constituents that there are still good and honest people in this world, worthy to be emulated,” sabi ng alkalde.

Bilang ganti naman sa kabutihan ng dalawa ay nakatanggap ang mga ito ng maliit na halaga mula kay Mayor Lauro.

Sabi pa sa ulat, hindi daw ito ang unang beses na nagsauli ng perang nawala si Agyapas sa may-ari.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel