Gurong ginawan ng seat covers ang upuan ng kanyang mga estudyante, hinangaan ng netizens

Gurong ginawan ng seat covers ang upuan ng kanyang mga estudyante, hinangaan ng netizens

- Hinangaan ng mga netizens ang gurong si Merlita Geronimo Narne dahil sa personal niyang ginawan ng seat covers ang upuan ng kanyang mga estudyante

- Nag-viral ang post na ito na binahagi rin ng ibang Facebook page dahil sa nakakabilib na ginawa ng gurong 21 taon na palang nagtuturo

- Katuwang niya ang kanyang mister sa paggawa dahil sa nilagyan na rin nila ng foam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa gurong si Merlita Geronimo Narne dahil sa matiyaga nitong ginawan ng seat covers ang lahat ng upuan ng kanyang mga estudyante.

Sa kanya mismong post, makikitang nanahi ng mga seat covers si teacher Merlita gamit ang kanyang makinang pantahi.

Katuwang rin niya ang mister sa paggawa ng mga upuan dahil nilagyan na rin nila ng foam ang mga upuan upang mas maging komportable ang kanyang mga estudyante.

Ayon sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, isa sa dahilan ng pagiging balisa ng mga estudyante sa klase ay dahil sa iritable sila sa kanilang mga upuan kaya naman naisip niyang gawin ito.

Mayroon naman nagmagandang loob na magbigay sa kanya ng tela ngunit karamihang ng kanyang ginamit ay mula sa sarili niyang bulsa.

Sadyang nakakabilib ang ginawa na ito ng gurong 21 taon nang nagbabahagi ng kanyang kaalaman at nagmamalasakit sa kanyang mga nagiging estudyante sa Victoria, Tarlac.

Samantala, maging ang mga netizens ay natuwa sa ginawa na ito ni teacher Merlinda at sana raw ay naranasan din nilang pagmalasakitan ng guro gaya nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ganyan sana lahat ng guro dito sa amin hindi ung puro hingi ng donasyon anu ba yan!So proud to you madam huwaran ka po!God bless you!"
"Salute po mam! Sana all. Unlike ibang teachers na puro porma, post about sa degree nila, mag rant sa gobyerno at sa mga kapos sa manners na students nila, hirap sa pag gawa ng lesson plan as if hindi sila pinapasahod. Mga teachers na kinain ng sistema."
"Kung ganyan teacher hihingi ng contribution sa room hindi ako magdadalawa isip na magbigay lalo na nakikita ko saan napupunta..."
"Laht ng guro halos iniisip kapakanan ng mga pupils at ang masaklap may mga magulang na wlang paki sa mga anak nila...just saying"
"Yan ang tunay na teacher minahal nya ang profession nya isinasapuso ang kahalagahan at simumpaan bilang magtuturo. Hindi tulad sa iba na puro reklamo at salary increase ang bukang bibig keso d kasya ang sahod.paano Hindi magkasya eh mahihilig magloan.ayaw maiwanan sa uso ng mga teacher."
"Ganyan sana lahat ng guro dito sa amin hindi ung puro hingi ng donasyon anu ba yan!So proud to you madam huwaran ka po!God bless you!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel