Trillanes, umaming na-meet niya noon si Bikoy; idinetalye ang buong istorya

Trillanes, umaming na-meet niya noon si Bikoy; idinetalye ang buong istorya

- Nagbigay ng privilege speech sa Senado si Senator Antonio Trillanes IV

- Ang kanyang pahayag ay ukol kay Peter Joemel Advincula o “Bikoy”

- Umamin siyang nakaharap na niya noon si Bikoy pero wala siyang kinalaman sa “Bikoy videos”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umamin si Senator Antonio Trillanes IV ngayong Lunes na nagkaharap na sila noon ni Peter Joemel Advincula, ang nagpapakilalang “Bikoy” sa mga kumalat na videos laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ni Trillanes ang pag-amin sa kanyang privilege speech sa Senado, ayon sa report ng GMA-7 News (iniulat ni Amita Legaspi).

Pero nilinaw ng senador na hindi niya binigyan ng pansin si Advincula nang magkaharap sila noon dahil hindi raw kulang-kulang daw ang ebidensya nito ukol sa mga sindikato.

Mga pari raw ang naglapit kay Advincula sa kanya, ayon sa kanyang pahayag. Inilapit daw ng mga pari sa kanya si Advincula dahil may banta sa buhay nito.

“Una nang inilapit sa akin ng mga pari si Bikoy August last year dahil siya daw ay papatayin ng sindikato ng illegal na droga. Pinakinggan ko siya pero nakulangan ako at naguluhan sa mga detalye kaya isinantabi ko at tuluyan nang kinalimutan ang usapang ito…

“Sa kabutihan ng kanilang puso at magandyang layunin, nagbigay sila ng sanktuwaryo sa isang taong nagsasabi na nanganganib ang kanyang buhay. As shepherds of Christ, that is their ministry. Hindi lang nila siguro na-expect na meron pa ring tao na susuklian ang kanilang kabutihan ng isang kataksilan,” pahayag ni Trillanes.

Dagdag pa niya na binalikan siya ng mga pari ilang buwan ang nakalipas dala ang ilang dokumento ukol daw sa mga lider ng sindikato. Hanggang ngayon ay pinapa-validate pa ang mga nasabing dokumento.

“Sometime in Feburary, binalikan ako ng mga pari at binigyan ng mga dokumento na naglalaman ng mga detalye ng bank account ng mga lider ng sindikato. Galing ito sa mga kasamahan ni Bikoy na miyembro ng sindikato…

“They said the validation process might take a while but if the account details are accurate, the money trail could be traced...Ang sabi naman nila ay ire-report na lang nila ito sa publiko pag ito ay nakumpirma na...

“Mabigat ang prosesong pinagdadaanan ng mga prospective witnesses na lumalapit sa amin kasi kapag hindi katotohanan ang ilalabas ng mga ito ay madali silang gibain ng mga tanong ng mga senador,” paliwanag niya.

Nilinaw din niya na wala siyang kinalaman sa anti-Duterte videos na kumalat sa internet.

“Uulitin ko, wala akong kinalaman sa paggawa ng mga videos na ‘yun. To my PMAer upperclassmen here, All Right, sir. Malamang siya rin ang gumawa ng mga video na ‘yan. To be fair, maganda nga po ang pagkakagawa ni Bikoy ng mga video at nakakuha ito ng atensyon ng publiko,” sabi ng senador.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa naunang report ng KAMI, si Trillanes ang may pinakamababang net worth sa lahat ng mga senador.

Si Antonio Trillanes IV ay dating sundalo na naging isang pulitiko. Nanalo siya bilang senador pero nabigo siyang maging isang Vice President noong Halalan 2016. Isa siya sa mga pinaka-kilalang kritiko ng Pangulong Duterte.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing talked to KAMI about their new movie “Quezon’s Game” and about their personal lives as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel