Touching moment ng tatay at anak na OFW, pinaluha ang netizens

Touching moment ng tatay at anak na OFW, pinaluha ang netizens

-Umabot na sa mahigit 1 million ang views ng viral video ng mag-amang sobra ang pangungulila sa isa't-isa

-Marami ang na-touch at paniguradong naluha dahil dito

-Ang kanilang istorya ay isa lamang sa libo-libong pangyayari sa buhay ng mga matatapang nating kababayang OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mukhang wala nang sasaya pa sa mga magulang ng isang overseas Filipino worker (OFW) nang biglaan itong umuwi at isorpresa ang mga ito sa isang viral video.

Sa unang bahagi pa lamang ng video na in-upload ng netizen na si Jeaprilyn De Padua, ay makikita ang ama na sobrang galak nang makitang bumaba ang anak sa tricycle.

Kita ang pangungulila at pagkasabik nito sa anak nang yakapin at buhatin pa nito ang anak na dalaga.

Maririnig mula sa video na kauuwi lamang nito mula sa Taiwan.

Diretsong kinarga papasok ng tatay ang anak at matagal na niyakap roon.

Maging ang ina ng OFW ay labis ang gulat at saya nang makita ang anak na nawalay sa kanila para mag-trabaho sa ibang bayan.

Paniguradong marami ang na-touch at naiyak sa eksena ng mga ito na simbolo ng pagmamahal ng magulang sa kanyang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Nakakaantig ng damdamin."

"sarap ng yakap ni tatay [heart emoji]."

"Para akong nagbalat ng sibuyas."

"sweet naman ni tatay."

"tulo luha ko aysst."

"di ko alam bat tulo ng tulo luha ko. miss na miss niYa anak niya."

"umiiyak pa dn ako habang pinapanood ko.. huhuhu."

"nakakatuwa sarap sa puso."

"ate ang daming views nakakaiyak."

Ang nakaka-touch na video na ito, umabot sa mahigit isang milyon ang views. 17,000 reactions sa Facebook at mahigit 12,000 shares.

Patunay lamang ito na hindi lamang ang ating mga kababayang OFW ang nagdurusa at nangungulila sa kanilang pag-alis sa Pinas.

Maging ang mga taong nagmamahal na naiiwan ng mga ito ay labis rin ang lungkot sa pagkakalayo sa mga mahal sa buhay na kinakailangang mag-hanapbuhay sa ibang bayan.

Mula sa KAMI, saludo kaming lahat sa mga OFW na patuloy na nagpapakatatag para lamang sa kanilang minamahal na pamilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Baron Geisler cries hard during ‘Magandang Buhay’ guesting

Baron Geisler cries hard during ‘Magandang Buhay’ guesting

Baron Geisler breaks down during ‘Magandang Buhay’ guesting
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel