75-anyos, binabastos ng mga pamangkin at inaangkin pa ang bahay niya

75-anyos, binabastos ng mga pamangkin at inaangkin pa ang bahay niya

-Sa labis na pangamba ng isang ginang nagawa na nitong lumapit sa programang Aksyon ni Raffy Tulfo

-Ayon sa ginang, inaangkin ng kanyang dalawang pamangkin ang kanyang sariling bahay

-Sabi pa nito, nagagawa siyang bastusin ng mga ito ng harapan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na sama ng loob at pangamba ang nagtulak sa 75-anyos na matandang dalaga na si Corazon Gallardo para humingi ng tulong kay Raffy Tulfo.

Sa programang Aksyon, ibinahagi ni Corazon ang kanyang problema sa kanyang mga pamangkin na diumano'y kinakamkam na ang kanyang sariling bahay.

Sabi pa nito, nagagawa na siyang bastusin ng pamangkin na si Joel Gallardo at ng kapatid nitong babae na 'di na nabanggit ang pangalan.

Mayroon na raw silang kasunduan ng pamangkin sa barangay na aalis na ang mga ito sa kanyang bahay ngunit hindi rin umano ito sinunod ng mga pamangkin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang sulat pa ang ginawa nito patunay na ayaw na nitong sundin ang napagkasunduan nila.

Reklamo pa ni Corazon, nagawa pang ipa-register ng mga ito ang kanyang bahay sa kanilang pangalan ng lingid sa kanyang kaalaman.

Hindi niya ito matanggap lalo pa at ang mismong yumaong ama ng mga ito na ang nagsabi na nararapat nang umalis ang mga ito sa poder ni Corazon.

Giit pa ng complainant, isa siya sa mga tumulong para makapag-aral ang mga ito.

Nang makausap naman ni Tulfo ang barangay captain sa lugar nila Corazon ay tila wala na itong magawa pa sa kaso ng matanda at nais na lamang daw sumunod ayon sa tamang proseso.

Bagay na hindi nagustuhan ng sikat na host dahil may pagbabanta na umano sa matandang babae mula sa mga pamangkin.

Kaya naman sa PNP na humingi ng tulong si Tulfo upang mapalayas na ang mga bastos na pamangkin ni Corazon sa kanyang pamamahay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about women linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about women linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel