Larawan ng 5 taong batang ulila na sa ama't ina, pumukaw sa damdamin ng netizens

Larawan ng 5 taong batang ulila na sa ama't ina, pumukaw sa damdamin ng netizens

- Viral ngayon ang larawan ng limang taong gulang na batang lalaking katabi ng kabaong ng kanyang ama

- Naulila ang bata sa ina noong pitong taong gulang pa lamang siya at ngayon naman, ang kanyang ama ang pumanaw na

- Nadurog ang puso ng mga netizens dahil sa inosenteng batang nawalan ng mga magulang sa kanyang murang edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang napukaw ang damdamin ng larawan ng isang batang lalaki na katabi ng pumanaw niyang ama.

Sa post ni Marco Andrés, makikita ang limang taong batang lalaki na nakatingin sa kanyang ama na nasa loob na ng kabaong. Ang masaklap pa nito, di lamang pala siya ulila sa ama kundi maging sa ina.

Nauna na pa lang pumanaw ang ina ng di napangalanang batang lalaki noong siya ay pitong buwan pa lamang.

"Tabe daw muna sila ng Papa Tin niya. He lost his mom when he was 7 months old and now lost his dad at the age of 5. This is heartbreaking to see," ang caption ng naturang post.

Di rin napigilan ng mga netizens na makaramdam ng lungkot nang makita ang larawan ng bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wag kang susuko,kasama mo si lord"
"nakakaiyak naman 'to"
"Sakit sa puso tignan grabe hinde q mapigil maiyak god have plan to u lil boy for sure mgiging isang mabait kang bata at mabuting tao god bless u"
"Bless your heart baby boy. Be strong."
"hays... i wanna give him a hug"
"Nakakabagbag damdamin naman alagaan mo po sya at gabayan please"

Karamihan pa sa mga komento ng mga netizens ay ang pag-aalala na kung sino na ang mag-aaruga at magkakalinga sa bata.

Habang ang ilan pa ay nagpahiwatig na nais na lamang nilang kupkupin ang bata.

Umani na ng nasa 56,000 reactions, 2,100 comments at 35,000 shares ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel