Alagang pit bull, iniligtas ang isang sanggol mula sa nasusunog na bahay

Alagang pit bull, iniligtas ang isang sanggol mula sa nasusunog na bahay

-Itinuturing na isang bayani ngayon sa California ang isang asong pit bull matapos nitong sagipin ang isang sanggol mula sa nasusunog na bahay

-Ayon sa amo ng aso, nagulat na lamang siya nang makitang tila balisa ang aso

-Nakita na lamang niya na hinihila na nito ang kanyang anak palabas sa kwarto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala pa daw kamalay-malay ang ginang na si Nana Chaichanhda, mula sa Stockton sa California na nasusunog na ang apartment complex na kanilang tinitirahan.

Ayon sa panayam dito ng FOX40, nagulat na lamang siya nang makitang tila balisa ang kanyang alagang aso na si Sasha.

"I open it and she runs in and starts barking at me like crazy and I was like, 'OK, this is weird. This is not like her,'” ayon kay Chaichanhda.

Nang madiskubre na nasusunog na ang ilang bahagi ng tinitirahang apartment complex, agad raw nitong pinuntahan ang 7-buwang-gulang na anak na babae.

Pagpasok niya sa kwarto ay nakita na lamang niya ang anak na hila-hila ni Sasha sa diaper palabas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“She had already had my baby by the diaper and was dragging her off the bed," she told FOX40. "I was like, 'Oh my gosh, what are you doing?'" kwento pa ng ginang.

Nagpapasalamat sila na ligtas ang lahat dahil na rin sa maagap na babala ng pit bull ngunit malaki ang damage na iniwan ng sunog.

"It meant a lot. I owe her everything,” sabi pa ni Chaichanhda.

“If it wasn’t for her, I would have still been in bed and things could have taken a worse turn.” dagdag nito.

Umaasa ang ginang na sa pangyayaring ito ay mabago na ang pagtingin ng marami sa mga pit bull.

Ayon sa report, nakitira muna ang mag-iina sa tiyahin nito na nakatira rin doon.

Samantala, sa Pinas naman, isang aso ang agad na nagviral at hinangaan ng marami na una nang naiulat ng KAMI.

Ang asong si Bubuy na tinaguriang "Pinoy Hachiko" ay matiyagang naghintay sa kanyang among guro na pumanaw na.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng asong nilalambing ang among umiiyak, viral

Video ng asong nilalambing ang among umiiyak, viral

Video ng asong nilalambing ang among umiiyak, viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel