Principal, nagdala ng kalabaw at nag-araro sa loob ng kanilang eskwelahan

Principal, nagdala ng kalabaw at nag-araro sa loob ng kanilang eskwelahan

-Viral online ang isang principal matapos itong magdala ng kalabaw sa kanilang eskwelahan at nag-araro doon

-Bukod kasi sa pagiging punong guro, isa rin daw magsasaka ito

-At para sa kanya, mahirap daw talikuran ang trabahong nagpa-aral sa kanya at sa kanyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naitampok sa 24 Oras ang viral na prinicipal mula sa Zamboanga del Sur kamakailan lamang.

Ang lalaking principal kasi, nagdala ng kalabaw sa kanilang eskwelahan at nag-araro sa garden doon.

Nangyari ito sa ikalawang araw ng Brigada Eskwela sa Sapa Anding Agricultural Vocational Technical School sa Ramon Magsaysay.

Kinilala itong si Desiderio Logdonio at napag-alaman ding alaga pala nito ang kalabaw na kanyang dinala.

Para sa kanya, hindi niya ikinahihiya na siya ay isa ring magsasaka dahil ito ang nagpa-aral sa kanya at maging sa kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa ulat, binansagan si sir na "principal sa umaga. magsasaka sa hapon" dahil daw kada hapon ay nag-aararo pa rin siya pagkatapos ng kanyang trabaho bilang punong guro.

Umani ng mga papuri si Logdonio mula sa mga netizens na lubos na humanga sa kanya.

"Knowledge is earned not only in inside classrooms but most importantly from the outside of it, not only by theory but by the application of such. The principal mentioned is a good example of the above. Good job sir Principal."

"A vry good role model!!! A snappy salute to you sir!!!"

"A role model to every one sana mabasa ng mga politiko."

"Saludo ako sayo sir principal...ikaw yung simbulo ng taong marunong lumingon sa pinanggalingan."

"Ganon nman po tlaga sir good job khit ppano tulong na din po sir saludo po ako sau."

"Magandang halimbawa."

"Nakaka inspired si Sir."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magandang supplier, sabay na niloko mga online sellers, pinadalhan ng mga bulok na diaper

Magandang supplier, sabay na niloko mga online sellers, pinadalhan ng mga bulok na diaper

Magandang supplier, sabay na niloko mga online sellers, pinadalhan ng mga bulok na diaper
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel