Netizen, binahagi ang kabutihang ginawa ng isang Grab driver sa matandang di nito kilala

Netizen, binahagi ang kabutihang ginawa ng isang Grab driver sa matandang di nito kilala

- Binahagi ng naging Grab passenger ang kabutihan na ginawa ng kanyang naging driver

- Sa una'y natakot siya ngunit laking gulat niya na tumulong ang driver sa matandang di niya kilala

- Gawain pala ito ng driver kung saan nagluluto pa talaga sila para sa mga taong nakikita nila sa lansangan at nagugutom

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa binahaging karanasan ng netizen na si Gelica Manuel Tulauan sa ginawa ng Grab driver na minsan siyang naisakay.

Ayon sa post na binahagi din ng Facebook page na The Story of Anthony, nag-book daw si Gelica mula sa Cubao patungong Tondo.

Hatinggabi na noon kaya naman di maaalis ang kaba para sa isang babaeng magbibiyahe.

Nagsabi raw ang driver na kakaliwa ito sa Padre Faura street ngunit di na niya naintindihan pa ang sumunod nitong sinabi.

Bumaba ang Grab driver at may dala itong paper bag. Nakaramdam ng takot si Gelica sa una lalo pa at madilim na.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit nang makita niyang binigay ng driver ang paper bag na may laman sa isang matandang pulubi, nawala lahat ang pangamba ng pasahero.

Napalitan ito ng paghanga lalo pa nang malaman na palagi pala itong ginagawa ng driver na nakilalang si Carlo Santiago Diaz.

Kasama ang kanyang girlfriend, nagluluto ng pagkain ang driver na sadyang pinamimigay pala nila sa mga taong nagugutom na nasa lansangan.

Aminado si Gelica na na-inspire daw siya sa ginagawang ito ng driver na nararapat lamang na pamarisan ng karamihan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel