Binata, natulog sa pool ng 7 oras matapos mawalang ng space sa kanilang kwarto

Binata, natulog sa pool ng 7 oras matapos mawalang ng space sa kanilang kwarto

-Ginawang kama ng isang binata ang isang swimming pool sa Bulacan matapos itong mawalan ng space sa kanilang kwarto habang nasa outing

-Tumagal pa daw ng 7 oras ang pagtulog ng binata ayon sa pinsan nito

-Ngunit paliwanag naman nito, safe naman daw ang kanyang pinsan dahil may mga kaibigan ito na nasa paligid din

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng Twitter, ibinahagi ng netizen na si Iris Vicencio ang nakakatuwa at kakaibang ginawa ng kanyang pinsan habang sila ay nasa isang family outing.

Ayon kay Vicencio, ginawa raw kama ng kanyang pinsan na si Seth Gabriel Ricafort ang swimming pool sa isang resort sa Bulacan.

Dahil daw naubusan ito ng space sa kanilang inupahang kwarto.

"We're on a family outing and wala nang space sa kama so my drunk cousin put on his trunks and said 'dun nalang ako matutulog sa swimming pool.'"

"KALA KO JOKE LANG P*TA SERYOSO PALA…"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong una ay inakala pa daw ni Vicencio na nagbibiro lamang ang pinsan ngunit ayon dito, nakita pa rin ito ng kanyang kapatid sa pool makalipas ang 20 minuto.

Umabot raw sa pitong oras na natulog si Ricafort sa pool at nagising na lamang noong umaga dahil kailangan nang linisin ang pool.

Ngunit paalala ni Vicencio, hindi dapat tularan ang ginawa ng kanyang pinsan dahil posibleng mapahamak ang isang tao dito.

Ipinaliwanag din nila na hinayaan nila ang pinsan dahil may mga tao sa pool mula 1:00 hanggang 5:00 ng madaling araw.

Nasa paligid rin daw ang mga kaibigan nito noong mga oras na iyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel