Kwento ng lalaking lakas loob tumabi sa babae sa bus na may kakaibang sakit, viral

Kwento ng lalaking lakas loob tumabi sa babae sa bus na may kakaibang sakit, viral

- Marami ang humanga sa ginawa ng isang lalaki sa bus dahil sa lakas ng loob niyang tumabi sa isang babaeng may kakaibang karamdaman

- Habang ang iba ay mas ginustong tumayo sa bus, pinili pa rin nitong tabihan ang babae

- Namangha ang lalaki sa katatagan at kabutihang pinakita ng babae sa kabila ng kanyang sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post patungkol sa karanasan ng netizen na si French sa bus patungo sa family reunion nila sa Bohol.

Sa ulat ni Immae Lachica ng Cebu daily news, laking pagtataka raw ni French kumbakit marami ang nakatayo sa bus gayung may isang bakanteng upuan pa naman.

Napansin niyang may kakaibang hitsura ito dala ng kakaiba nitong karamdaman na kung tawagin ay neurofibromatosis.

Isa itong genetic na karamdaman kung saan tinubuan ng maliliit na mga bukol ang buong katawan.

“I was about to ride a bus from Tagbilaran to Bilar when I noticed a vacant seat with only one person sitting, while the rest were standing. I looked closely when I realized why no one was sitting beside her. She has neurofibromatosis. I felt bad and sat beside her. She smiled at me as if she didn’t see what’s been happening while she was at the bus. I smiled back and said “hi,” pahayag ni French sa kanyang post.

Nakilala niya si Agapitha, isang 59 anyos na babaeng tagapag-alaga ng mga anak ng kanyang kamag-anak.

Upang makausap pa ni French si Agapitha, nagkunwari itong di niya alam ang daan patungong Bilar sa Bohol.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Binigay naman nito ang direksyon at tinuloy na rin ni French ang pagtatanong pa kay Agapitha ng ilan pang mga personal na katanungan tungkol sa kanya.

Nalaman niyang 36 taon itong naging tagapag-alaga ng mga pamangkin niya sa Maynila at ngayon naman ay sa mga anak ng kanyang kamag-anak.

Ngunit ang napansin ni French na napaka-positibo pa rin ng pananaw ni Agapitha sa buhay. Labis siyang namangha na sa kabila ng kakaibang itsura nito, mayroon naman itong ginintuang puso.

"Why should I complain, be worried or see this as a problem? My body is not mine to begin with. I might as well let God guide me, in that sense I don’t have to think of anything else and that even makes me happy," pahayag ni Agapitha sa wikang Cebuano.

Ayon kay French, binahagi niya ang kwento ng karanasan niyang ito upang ipaunawa sa iba na di dapat basta pandirian ang mga katulad ni Agapitha.

Gaya ng pakikipag-usap niya rito, nalaman niya na sa kabila ng kondisyon nito ay mayroon naman itong ginintuang puso.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities & TV personalities remember the late 'earth warrior' Gina Lopez

Celebrities & TV personalities remember the late 'earth warrior' Gina Lopez

Celebrities & TV personalities remember the late 'earth warrior' Gina Lopez
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel