Pres. Duterte, biniro si VP Robredo sa harap ng marami matapos ang Bikoy issue

Pres. Duterte, biniro si VP Robredo sa harap ng marami matapos ang Bikoy issue

-Tila hindi napigilan ni Pangulong Duterte ang sarili nang biruin nito si Vice President Robredo sa harap ng marami

-Ito ang unang beses na nagkita ang dalawa matapos ang "pagbaligtad" ni Bikoy

-Parehong dumalo at magkatabi sa stage ang dalawa sa graduation ng Philippine Military Academy sa Baguio City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang pagbaligtad ng "Ang totoong Narcolist" video narrator na si Peter Joemel Advincula o Bikoy, nagkita si Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Si VP Robredo ang isa sa mga idinawit ni Bikoy sa pagpapatalsik kay Pangulong Duterte na mariin namang itinanggi ng una.

Ngunit tila 'di napigilan ng pangulo ang biruin ang kanyang bise sa harap ng mga opisyal at mga magtatapos sa Philippine Military Academy sa Baguio City.

Matapos i-acknowledge ang kanyang bise, sinabi ng pangulo:

"Bakit noon Ma'am nag-smile ka sa akin? Ngayon hindi na. Ikaw ha?"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kita naman ang reaksyon ng bise matapos itong biruin ng pangulo. Natawa lamang ito kasabay ng iba pa.

Una nang naiulat ng KAMI ang mariing pagtanggi ni VP Robredo sa pagdadawit sa kanya ni Bikoy sa ouster plot para sa pangulo.

Maging ang ilang miyembro ng Otso Diretso at Liberal party ay itinanggi na rin ang akusasyon laban sa kanila.

Samantala, naiulat ng KAMI na isang babaeng kadete ang valedictorian ngayong taon sa PMA na parte ng Class Mandirigma ng Bayan Lakas at Sarili Iaalay para sa Kapayapaan (Mabalasik).

Kinilala itong si Cadet First Class Dionne Mae Apolog Umalla.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Get to know the girls in Jose Rizal’s long list of ex-lovers

Get to know the girls in Jose Rizal’s long list of ex-lovers

Get to know the girls in Jose Rizal’s long list of ex-lovers
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel