Newlywed na biktima ng 'eat-and-run' sa kanilang kasal, kinaawaan ng netizens

Newlywed na biktima ng 'eat-and-run' sa kanilang kasal, kinaawaan ng netizens

- Viral ngayon ang mga larawan ng bagong kasal na nabiktima ng 'eat-and-run'

- Makikitang wala na halos silang bisita habang nagsasalita dahil daw sa nagsi-alisan na agad ito pagkakain

- May ilang netizens naman na tila pinagtanggol pa ang mg bisitang umalis na agad sa reception ng kasalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan ng bagong kasal na bikitima umano ng 'eat-and-run' sa kanilang wedding reception.

Sa Facebook post ng photographer na si Diosdado Maghirang, nagbigay ito ng paalala sa mga magiging kliyente.

Sana raw ay di mangyari pa sa iba ang insidente kung saan nagsi-alisan na agad ang mga bisita kahit di pa natatapos ang wedding reception.

Mayroon naman daw na emcee o host kadalasan ang mga wedding reception kaya di na raw sana "magpa-bida" ang mga kamag-anak na papilahin na agad ang mga bisita.

Ito raw marahil kasi ang nagiging dahilan bakit umaalis na agad ang mga bisita pagkatapos nilang kumain.

Samantala, may ilang mga netizens na tila pinagtanggol ang mga bisitang nagagawa nang umalis sa reception ng kasal.

Ang ilan naman ay nananalangin na huwag sanang mangyari ito sa kanilang kasal.

Marami rin talaga ang naawa sa bagong kasal na dinanas ang ganito sa kasal na kanilang pinaghandaan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sa kasal ng kilala k we waited an hour for every thing after the ceremony going to the reception Ung Iba umuwi n lng kasi they r not sure when is the reception ksi ngphoto shoot pa sila after the ceremony, but then again common courtesy n lng don’t ruined the special moment of the couple just coz u have no patience n the organiser should not put the photo shoot after the ceremony coz it’s very late n Minsan"
"Kaya diskarte namin ng team ko lalo na ako, umpisa pa lang sa Ceremony sinasabi ko na wag sila eat and run indirect-direct joke ko yun sa kanila, kahit sa reception mismo team ko nagsasabi agad sa mga guest kung anong oras ang meal time kaya yung mga guest nagsstay na rin. Communication is the key talaga."
"As an event emcee, I already experienced this once. Nakakapanlumo if I'll describe how I felt lalo na nung nakita ko ung groom at bride. We were on time naman kaya takang-taka din ako. More than half of the guests left as soon as nakakain na. Apparently, many of the guests were relatives, kumares and kumpadres of the bride's parents. So sino ba talaga ang may event, si bride o yung parents niya?"
"Ano lang naman kasi ang 4-5 hrs sa time nila. kaya mga ka-close lang dapat imbitahan. Try niyo umattend ng wedding na 12 hrs ang program sa dami. If importante sa akin ikakasal di ko aalisan. Sumuko na lang kami kasi "take note" may mga kids kami kasama at nakatulog na. Pero even though. May food naman at program sana tapusin na lang. Nakakaawa din kasi na katulad niyan umalis lahat ng sponsors. madalas talaga mga sponsors di masyado nakakausap."
"Dapat talaga screen ng mabuti mga bisita. Piliin lang yung mga mag stay hanggang matapos ang program. And sa mga bisita wag po sana maging atat sa pagkain, sundin ang program at kung ano ang mga ginagawa"
"Nasubukan ko to..nakakaawa yung bagong kasal eat and run mga bisita...tapos tlgang pag kain lng habol nila..ndi p tapos yung program nag takbuhan n s buffet dhl s merong kamag anak n n bida bida...haixt.nakakalungkot"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Ion Perez finally discloses real score between him and Vice Ganda

Ion Perez finally discloses real score between him and Vice Ganda

Ion Perez finally reveals real score between him and Vice Ganda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel