Regine Velasquez, aminadong unang beses naluha sa performance ng isang contestant

Regine Velasquez, aminadong unang beses naluha sa performance ng isang contestant

- Naluha si Regine Velasquez sa renditon ng Idol Philippines' contestant ng kantang "Somewhere over the rainbow"

- Aminado ang nag-iisang Asia's Songbird na ito ang unang beses na napaluha siya sa kanta ng isang contestant

- Sinang-ayunan naman siya ng ibang judges sa naturang singing contest at di naman daw kailangan laging 'bumibirit' para magkaroon ng golden ticket

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di napigilan ng Idol Philippines' judge Regine Velasquez na maluha dahil sa performance ng contestant na si Vanya Castor.

Napukaw ng 23 anyos na constestant ang puso ng mga hurado dahil sa sarili niyang version ng kantang "Somewhere over the rainbow."

Sa ulat ng ABS-CBN news, inamin ni Regine na iyon ang unang beses na naluha siya sa performance ng isang contestant.

"This is the first time I actually cried in a performance," naluluhang pahayag ng Asia's Songbird.

Dagdag pa ni Regine, kinanta raw ito ng pambato ng Bacolod na napukaw siya nito dahil "sincere" ang pagkakakanta niya nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinang-ayunan ito ng ibang judges at pinaliwanag nilang di naman daw kailangan na laging bumibirit ang singer para patunayan ang kagalingan nito sa pag-awit.

Nakakuha si Vanya ng golden ticket para sa next level ng kompetisyon dahil sa apat na 'yes' ng mga judges.

Narito ang kabuuan ng performance ni Vanya na nagpaluha sa Asia's Songbird:

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel