Abdominal fat, posibleng maging sanhi ng sakit sa puso at iba pa

Abdominal fat, posibleng maging sanhi ng sakit sa puso at iba pa

-May dalawang uri ng taba sa katawan at ang isa rito, posibleng maging sanhi ng sakit sa puso at altapresyon

-Kadalasan, ang malaking tiyan ay nagiging babala para malaman ito

-Kaya naman may mga payo ang doktor upang maiwasan ito at maging fit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dalawang uri ng taba ang nabubuo sa katawan ng isang tao, ito ay ang subcutaneous fat at ang visceral fat.

Sa ulat ng Pinoy MD, ipinaliwanag ang kaibahan ng dalawa at posibleng maging sanhi nito.

Ayon sa isang doktor, ang subcutaneous fat ay ang taba na naiimbak lang sa ilalim ng balat at madaling makapa.

Habang ang visceral fat naman ay ang taba na matatagpuan sa ilalim ng abdominal cavities na pumupuno sa mga puwang sa ating bituka at iba pang internal organs.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At ang paglaki ng tiyan ay nagsisilbing babala para malaman kung delikado na ang ating lagay.

Ayon sa report ng programa, dapat daw hindi lalagpas sa 40" ang waistline ng isang lalaki habang dapat naman hindi lalagpas sa 35" ang sa babae.

Ayon pa sa ilang pag-aaral, ang abdominal fats ay nagiging sanhi ng mga sakit tulad ng sakit sa puso, type 2 diabetes at hypertension.

Ang sobrang pagkain ng mga pagkaing mataas ang carbohydrates ang isa sa mga sanhi nito, tulad ng kanin at tinapay.

Bukod pa rito ang kawalan ng exercise ng isang tao.

Kaya naman payo ng doktor, mag-cardio exercise ng 'di bababa sa tatlong beses sa isang linggo.

Iwasan na rin ang mga pagkaing mataas ang carbohydrates at sa halip ay kumain ng mga pagkaing puno ng protein.

Sa isang artikulo ng KAMI, naitampok rin ang fitness journey ng isang babaeng sawi sa pag-ibig. Ibinahagi nito ang istorya mula sa pagiging chubby hanggang sa pagiging hot mama!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look

Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look

Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel