Babaeng dating 180 lbs. at iniwan ng asawa, piniling mahalin ang sarili

Babaeng dating 180 lbs. at iniwan ng asawa, piniling mahalin ang sarili

-Dating chubby at umabot pa sa 180 lbs. ang weight ng babaeng si Sandra

-Sa tingin daw niya, dahil dito kung bakit mas pinili ng kanyang asawa ang ibang babae

-Ngunit matapos tanggapin ang pagkasawi niya, mas pinili na lamang nito na mag-move on at magpa-sexy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa na sanang perfect love story ang istorya ni Sandra Dimalanta at ng kanyang asawa. Mula sa pagiging high school sweethearts ay nauwi sa simbahan ang kanilang pagmamahalan.

Ayon kay Sandra, ang kanyang mister ang kanyang first love.

Ngunit ang kanila palang love story ay walang happy ending dahil ang kanyang mister mas pinili pang sumama sa ibang babae.

Aminado naman si Sandra na lumaki siya at napabayaan ang sarili. Ito daw marahil ang dahilan kung bakit siya iniwan ng asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa kanyang pagkabigo, nagmukmok at mas lalo pang nalunod sa self pity ang babae.

Ngunit isang araw, nabago ang kanyang isip at mas piniling tutukan ang sarili.

Nahilig si Sandra sa pag-jo-jogging na noong una ay nagsimula lamang sa paglakad-lakad niya.

Hanggang sa nauwi na ito sa pag-gi-gym na ngayon ay kanya nang pinagkakakitaan.

At sa kasalukuyan, ang dating malaki at mabigat na babae, isa nang hot mama!

Nang maitampok ang kanyang istorya sa programang Pinoy MD, ibinahagi ni Sandra ang mga pagbabago sa kanyang katawan.

Ibinahagi rin nito ang mga bagay na ginagawa niya upang ma-maintain ang kanyang figure tulad ng mga exercises sa gym at ang kanyang diet.

Naging inspirasyon din si Sandra ng ilan sa kanyang mga kliyente dahil na rin sa mga payo at motivations niya para sa mga ito.

Sabi pa ni Sandra, ang paghihiganti ng mga tulad niyang nasawi sa pag-ibig maaaring maging daan para mas mahalin ang sarili.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda, biglang naging emosyonal sa 'It's Showtime'

Vice Ganda, biglang naging emosyonal sa 'It's Showtime'

Vice Ganda, biglang naging emosyonal sa 'It's Showtime'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel