Nanay na sinampal ng anak, bumalik kay Idol Raffy pagkatapos dalhin ng mga anak lahat ng gamit sa bahay

Nanay na sinampal ng anak, bumalik kay Idol Raffy pagkatapos dalhin ng mga anak lahat ng gamit sa bahay

- Bumalik si Magdalena Austria sa Raffy Tulfo in Action upang humingi ng tulong kay Idol Raffy

- Dinala na kasi ng mga anak niya ang mga gamit kaya humihingi siya ng refrigerator para sa kanyang pangkabuhayan

- Napaluha na rin si nanay habang kinukuwento na wala na silang mga gamit sa bahay dahil dinala na lahat ng mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumalik si Maria Magdalena Austria sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action upang humingi ng tulong kay Idol Raffy.

Nalaman ng KAMI umalis na pala ng bahay ang mga anak ni Nanay at dinala nila lahat ng mga gamit ni Nanay.

Konti lang ang hinihingi ni Nanay, at ito'y isang refrigerator para siya ay may pangkabuhayan.

Ayon kay nanay, gumagawa siya ng mga embutido at lumpia, at ito'y pinapaorder niya sa mga kapitbahay.

Kailangan niya ng refrigerator kung saan maaaring mai-stock ang mga embutido't lumpia.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inoffer sa kanya ni Idol ang isang freezer para mas malaki pero ayaw ni nanay dahil matakaw raw ito sa kuryente.

Ayaw din ni nanay ng double-door na refrigerator, yung maliit lang daw, para yung may sapat na siyang kikitain na pambayad sa mga bills.

Sa huli sinabi ni Idol kay Nanay na sasamahan na lang siya sa appliance store para si nanay na mismo ang makapili ng refrigerator na gusto niya.

Natuwa naman nang lubos si Nanay sa magandang balita ni Idol Raffy.

Maaalalang si Nanay Magdalena Austria ay yung ina na sinampal ng anak dahil lamang sa sushi. Naiulat sa KAMI kung ano ang ginawa ng mga nak niya nang sila'y magkaharap na.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Exclusive Interview: Madam Kilay's New Afam | HumanMeter Watch it here

Source: Kami.com.ph

Related news
"Duterte", nasa urban dictionary na pero may kakaiba itong kahulugan

"Duterte", nasa urban dictionary na pero may kakaiba itong kahulugan

"Duterte", nasa urban dictionary na ngunit may kakaiba itong kahulugan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel