Buboy the Pinoy Hachiko, tuluyan nang nagpaalam sa kanyang bestfriend

Buboy the Pinoy Hachiko, tuluyan nang nagpaalam sa kanyang bestfriend

-Marami ang naawa, umiyak at humanga sa kakaibang samahan ng isang aso at ng isang guro na nagviral online

-Ngunit ang samahan na ito ay naputol sa pagpanaw ng guro at naiwan ang asong si "Bubuy" na naghihintay sa kanya

-Hanggang sa tuluyan nang nagpaalam ang aso sa kanyang maituturing na bestfriend ay inabangan na rin ng mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tuluyan nang nagpaalam ang asong binansagang "Pinoy Hachiko" sa kanyang among guro.

Sa isang video na in-upload ng netizen na si Maria Inventor, makikita ang huling pamamaalam ni Bubuy sa kanyang bestfriend na si Mr.Carmelito Marcelo.

Mapapansin rin na titig na titig ang viral na aso sa kabaong ng yumaong guro.

Wala man kahit isa sa atin ang makakaalam ngunit paniguradong lungkot at pagkasawi ang nararamdaman ng aso.

Tila nga ayaw pa nitong bumitaw at nakahawak pa ang isang paa sa ibabaw ng kabaong na para bang nais nitong mahawakan ang bestfriend.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mabilis na kumalat online ang kahanga-hangang samahan ng asong si Bubuy at Mr. Marcelo na una na rin naitampok sa isang artikulo ng KAMI.

Isang video pa ang agad nagviral kung saan hinihintay ni Bubuy ang guro sa labas ng faculty room ng eskwelahan kung saan ito nagtuturo.

Ngunit wala itong kamalay-malay na pumanaw na ang kanyang bestfriend noong nakaraang Sabado.

Sa tulong ng mga updates ng ilang nakakakilala sa dalawa, bilang matalik na "magkaibigan", dinala ng mga ito si Bubuy sa burol ng guro.

Ilang larawan pa ang kumalat kung saan makikitang nagbabantay si Bubuy kay Mr. Marcelo.

Maraming netizens ang humanga, naiyak at sumubaybay sa istorya ng dalawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magandang supplier, niloko mga online sellers, di ibinalik perang binigay sa kanya

Magandang supplier, niloko mga online sellers, di ibinalik perang binigay sa kanya

Magandang supplier, sabay na niloko mga online sellers, pinadalhan ng mga bulok na diaper
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel