Estudyante, dinitalye kung paano siya di umano'y nabudol ng 'parlorista' sa Baclaran

Estudyante, dinitalye kung paano siya di umano'y nabudol ng 'parlorista' sa Baclaran

- Humingi ng tulong ang isang estudyante na di umano'y nabiktima ng 'budol-budol' sa Baclaran

- Dinitalye niya kung paano siya napasunod na lamang bigla ng isang lalaki nang di niya namamalayan

- Nakuha sa estudyante ang bag na naglalaman ng mahahalagang dokumento niya at tanging ID na lamang ang naiwan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang estudyanteng si Jovielyn Macasiljig na biktima umano ng 'budol budol' sa Baclaran.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, humingi ng tulong si Jovielyn sa Lingkod Kapamilya dahil nalimas ang gamit niya ng di niya kilalang lalaki.

Kwento ng estudyante, kabababa lamang niyan gn LRT noon nang may lumapit sa kanyang lalaki at pinayuhan pa siyang mag-ingat dahil maraming magnanakaw doon.

Maya maya pa'y nagsalita pa rin ang lalaki ngunit di na niya ito maintindihan.

Ang nakakikilabot pa rito, nagkatinginan lamang sila at doon na raw nagsimula ang pagiging sunod-sunuran niya rito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mapapansin pa raw sa CCTV na aakalain mong magkaibigan ang dalawa.

Natatandaan na lamang ni Jovielyn na nagpakilala pa umano ang lalaki na parlorista.

Nadala pa siya nito sa isang parlor at pinabanlawan pa sa kanya ang kanyang buhok.

Sumunod na nitong hiningi ang bag ng estudyante na naglalaman ng pera, gamit at iba pang mahahalagang bagay. Ang tanging naiwan na lamang sa kay Jovielyn ay ang kanyang ID.

Patuloy na magsasagawa ng imbestigasyon sa pangyayari ang Parañaque Police lalo pa at nakunan ng CCTV footage ang paglalakad ng biktima at suspek.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Zia Dantes gets trained in taekwondo by Baron Geisler’s brother Donnie

Zia Dantes gets trained in taekwondo by Baron Geisler’s brother Donnie

Zia Dantes gets trained in taekwondo by Baron Geisler’s brother
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel