Kuwento ng mapait na karanasan sa pag-ibig ng isang netizen, nag-viral sa social media

Kuwento ng mapait na karanasan sa pag-ibig ng isang netizen, nag-viral sa social media

- Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang mapait na karanasan sa pag-ibig

- Matagal siyang nagtiis, nagpatawad, pero sa bandang huli ay nauwi pa rin sa lokohan ang lahat

- Nag-viral na sa social media ang post na ito at maraming netizens ang nag-react dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Facebook post mula kay Xia Verzosa ang trending ngayon kung saan binahagi niya ang masakit niyang karanasan sa pag-ibig.

Nalaman ng KAMI na mayroon ng mahigit 2,500 shares ito kaya naman naging usap-usapan talaga ito sa social media.

Ayon sa kuwento ni Xia, tinanggap niya si Jonathan Morales kahit na niloko na siya nito.

Nangako kasi ito na magbabago na at hinding-hindi na uulit pa sa mga nagawa niya.

Umabot pa sa puntong nabuntis ni Jonathan ang naging babae nito pero dahil daw sa sobrang depress nito ay namatay ang kanilang baby.

Pinagsisisihan ngayon ni Xia na binigyan pa niya ng pagkakataon si Jonathan dahil niloko lamang siya ulit nito.

Read Xia's full post below:

"4 YEARS n sana by next month, kaya lang kung lolokohin ka lolokohin ka talaga.

"CHEATER IS ALWAYS A CHEATER

"Hindi ko sana ipopost pero di kinakaya ng puso ko yung sakit. panahon n rin para malaman ng lahat pangga-gago niyo sakin.

"Hello sayo Mia Jale Wacdagan at Jonathan Morales.

"Last year 4 days before three years anniversary namin nalaman ko na niloloko na ko ng bf ko (my ex n pala ) nalaman ko na buntis ka ( mia) because sa dummy account n nag chat well thanks to her. Sobrang sakit kasi ni hindi ko maisip na kaya akong lokohin ng taong sobra kong minahal at umikot lang mundo sakanya.

"Sobrang seloso, conservative bawal ang short, uminom pati ata hang outs with my friends kasakal di ba pero ilang taon kong ginawa gusto mo for our relationship. Para walang away pero the way na mag selos pati uncle ko the heck talaga.

"Nag usap tayo (yam) nangako ka hindi kana makikipagkita sakanya,ako pinili mo instead of them so tinanggap kita na walang alinlangan. You made a promise n ako pakakasalan mo. You made a promise na ako lang ang mamahalin mo. So ako naman n TANGA naniwala sa mga pinag sasabi mo. Tinaggap kita na parang walang nangyari, isang taon kong tinago sa family ko lahat ng kagaguhan mo. Na depress ako na halos dumating sa point n mag pakamatay ako dahil wala ako masabihan except sa mga workmates ko.

"Worst part of the story na depress din yang babae mo kaya namatay ang baby niyo. Ako pa pinag bibintangan n gumagawa ng dummy account. The heck. Tanggap ko n nga yang baby niyo tapos ako pa pag isipan niyo ng masama.

"Months goes by naging okay tayo pero nag bago n naman kinikilos mo which is lagi mo sinasabing busy ka sa work na pati matawagan ako di mo magawa. Ang cold mo pati sa mga text ramdam na ramdam ko kaya nang hinala n naman ako and guess what lahat ng instinct ko totoo. I tried to talk you lahat ng nararamdaman ko sinasabi ko sayo pero ang sagot mo lang "mahal kita, Wag n kung anu-ano iniisip mo be matured enough hindi n tayo mga bata pano tayo aasenso niyan"

""Kung ganyan ka ng ganyan walang magyayari sa relasyon natin" galing mong mag paikot no.

"So heto ako naman di nakakakain ng maayos at nakakatulog umiiyak lalo n pag mag isa ko sa bahay. Iniisip n mag pakamatay na lang. At sinasabing may mali na talaga sating dalawa. Hindi ko na maramadaman na mahal mo ko. Hindi n ikaw yung nakilala ko.

"April 9 : text ako ng text excited ako kasi may date tayo kinabukasan 3 years and 11 months n sana tayo eh. Nag text ka hapon na di ka nakapasok kasi masakit ulo mo may nararamdaman k na naman so I texted you n "pano bukas date natin hindi ka ba makaka-absent?"

""hindi kasi absent n ako ngayon" . Kaya ginawa ko niyaya ko bestfriend ko sa Pasig para kahit papano malibang kalungkutan ko. Uminom ako "oo" hindi nakauwi "oo" na hindi ko naman ginagawa natuto lang dahil sayo, you turned me to this kind of life . You texted me "hindi ka umuwi" tapos na tayo sabay mura sakin . Sa kalasingan ko di ko n rin alam sinsabi ko i replied "sige kung yan gusto mo, matagal naman n tayong tapos.

"Umuwi ako kinabukasan, binlocked mo ko sa fb mo text ng text tawag ng tawag pero wala . You ignored my calls. Isang linggo n nakaraan wala kang paramdam. Napaisip ako na dahil lang sa pag inom at di ko pag uwi, ganun mo ko kadaling bitawan. Sobrang dali kumpara sa pagtanggap ko sayo nung nabuntis mo yang Jalen n yan. Heto pala lahat ng rason pinag sabay mo na naman kami binalikan mo pala siya . Sobrang galing mong mag tago kaya pala nung last n punta mo ng bahay iba na pattern ng cp mo.

"Sobrang tanga ko sana una palang hiniwalayan n kita, sana naniwala ako sa mga katrabaho ko. Sana hindi na ko naniwala ulit sayo. Sising-sisi ako at nakilala kita tinanggap ka ng pamilya ko ng buong puso na minsan di ko naramdaman sa family mo.

"Kaya pala lahat ng nakatag na picture ko sakanya wala, edit featured wala, ni magawang profile pic wala. Kaya kayo girls pag ganyan bf niyo alam niyo na. May tinatago na yan ..

"Unfair talaga ng mundo kasi bakit sa dinami-dami ng babae bakit ako pa, why me God ...??"

Marami ang nakisimpatya kay Xia at sinabing mas maganda ng nalaman niya habang maaga at hindi pa nauwi sa kasalan.

"Mabuti naman friend natauhan ka na.."
"Tibay ng mukha niyang lalake na yan.. Thanks God pa din kase nilayo ka niya sa maling tao at hindi pa kau nagpakasal..."
" Grabee naman yan ate. kakagigil..ipag pray mo na lang sila ate. tsaka wag kang mag alala ate may inilaan si God para sayo.ung lalaking di ka sasaktan at paiikutin ung lalaking deserve sa love mo ate."
"Oki n ysn atleast di n umabot s kasal.. Hindi sya kawalan.. Sya ang nawalan... Hindi tlga sya para sau.... Just pray alam kong mahirap peru in Gods help kakayanin yan."
"its better na nangyri na ngayon yan. as early as now. you know why? kc pg ms tumgl pa to the point na knsal kau mauult at mault yan."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang misis ang pumatol sa mga boss at kumpare nila ni mister.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, our team asks grown-ups what continent does the Philippine belong to! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong cp

Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong cp

Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong cp
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel