"Palit plastic bottle cart", nag-iikot na sa Ilocos kapalit ang mga school supplies

"Palit plastic bottle cart", nag-iikot na sa Ilocos kapalit ang mga school supplies

Isang proyekto ang binahagi ng netizen na si Ros Atak kung saan pinapalit nila ang mga plastic bottle sa mga school supplies ng mga bata.

Gaya ng una nang naibahagi ng KAMI, pawang mga kabataan din ang nanguna sa proyektong ito.

Ito ay kinabibilangan ng basketball team na "ASTIG" at "Escoda Peacemaker" na wala raw kaugnayan sa sinumang pulitiko.

Naisip nila ito upang maibsan ang kagastusan ng mga magulang sa pagbili ng mga kagamitan ng mga anak para sa nalalpit na pasukan.

"Palit plastic bottle cart", nag-iikot na sa Ilocos kapalit ang mga school supplies
source: supplied
Source: UGC

Narito ang kabuuan ng liham na pinadala ni Ros na pinadala niya sa KAMI:

"PALIT PLASTIC BOTTLE SARI-SARI STORE"

Isang Cart ang nagsimulang umikot sa isang Barangay sa Bayan ng Marcos, Ilocos Norte noong ika- 22 ng Mayo taong kasalukuyan. Dala-dala nito ang iba't -ibang school supplies na maaaring makamit kapalit ng plastic bottles.

AVAILABLE:

1 bottle = 1 pen/1 pencil/ 1 sharpener/ 1 eraser

2 bottles= 1 notebook (maximum of :sunglasses:

= 1/2 lengthwise or crosswise

= 1/4 paper

3 bottles = 1 whole pad paper/ 1 box crayon (8pcs)

4 bottles = 1 pencil case

5 bottles = 1 box crayon (16 pcs)

"Palit plastic bottle cart", nag-iikot na sa Ilocos kapalit ang mga school supplies
source: supplied
Source: UGC

Sa isang post sa facebook ni Romnick Corpuz Respicio Agag, ang proyektong ito ay makatutulong sa mga magulang upang makatipid sa mga pambili ng gamit ng kanilang mga anak sa pasukan. Hindi lang umano sa kapwa makatutulong bagkus sa kalikasan.

"Palit plastic bottle cart", nag-iikot na sa Ilocos kapalit ang mga school supplies
source: supplied
Source: UGC

Naisip kong ibahagi ito upang maging inspirasyon sa mga kabataan lalo na at ang naglunsad umano nito ay kinabibilangan ng isang basketball team "ASTIG" at "Escoda Peacemaker" na pawang mga kalalakihan at hindi ng sinumang politiko. Sana ay pamarisan lalo na ng mga nailuklok sa Sangguniang Kabataan."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica