Kwento ng nanay na kasambahay, driver, painter at online tutor, viral

Kwento ng nanay na kasambahay, driver, painter at online tutor, viral

- Masasabing wonder nanay talaga si Manilyn Malupa na mag-isang tinataguyod ang kanyang tatlong anak

- Lahat ng trabahong kaya niyang gawin ay kanyang pinasok kaya naman

- Dahil sa kasipagan ni Manilyn, nabigyan siya ng biyaya ng programang Mission Possible na makakatulong sa kanilang mag-iina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakilala ng programang Mission Possible ang inang si Manilyn Malupa na masasabing "Nanay of all trades" sa dami ng alam na gawin.

Nalaman ng KAMI na bukod sa pagiging kasambahay nito mula alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, siya na rin ang driver ng pinapasukan niyang pamilya.

Aminado si Manilyn na sa umpisa'y nahirapan siya lalo na sa pagda-drive. Kadalasan kasi lalaki ang nagmamaneho pero talagang nakamamangha na kinaya niya ito.

Habang siya ay naglilinis ng bahay, nagluluto at nag-aalaga ng mga aso ng amo, ang kanya namang mga anak na sina Mike edad 11 at Anthony, 9 na taong gulang ay naiiwan sa kanilang bahay.

Maswerte si Manilyn na responsable ang kanyang mga anak na marunong na rin sa mga gawaing bahay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mag-isang tinataguyod ni Manilyn ang mga anak kaya naman mahirap talaga para sa kanya ang iwan ang mga ito.

Gaya na lamang kamakailankung saan niyanig ang Maynila ng lindol. Ganun na lamang ang taranta ni Manilyn dahil sa niwan niya ang mga anak at wala sa tabi niya ang mga ito nang mangyari.

Laking pasalamat na lamang niya na nakausap niya ang kanilang kapitbahay at sinabing maayos namana ang lagay ng mga anak.

Dahil dito wala nang ibang hiling si Manilyn kundi ang magkaroon sana ng hanapabuhay na di na kailangan pang iwan ang mga anak.

Kinakilangan ding rumaket ni Manilyn. Nagpipinta rin siya at binibenta ang mga ito sa murang halaga.

Minsan na rin siyang naging online tutor ngunit sa kasamaang palad ay nagsara ang kompanyang ito.

Sa sobrang sakripisyo at pagsusumikap na maitaguyod ang mga anak, biniyayaan ng programang Mission Possible si Manilyn ng bagong pagkakakitaan na di na niya kailangan pang iwan ang kanyang mga anak.

Narito ang kabuuan ng kwento ng buhay ni Nanay Manilyn.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel