Lalaking kusang nagpapayong sa mga taong stranded sa ulan, hinangaan ng netizens

Lalaking kusang nagpapayong sa mga taong stranded sa ulan, hinangaan ng netizens

- Hinangaan ng mga netizens ang kabutihan ng di napangalanang lalaki dahil sa pagtulong nito sa kasagsagan ng ulan

- Kusa nitong pinayungan ang mga taong walang dalang payong para makasay na at makauwi

- Umani ng papuri ang lalaki dahil kahit inaabutan ito ng kaunting pang-merienda ay di nito tinatanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang isang lalaking nagkusang maghatid sa sakayan ng mga taong walang payong.

Ayon sa post ni Noel Guevarra na binahagi rin ng Hanep TV, biglang buhos ng ulan noong Mayo 23 at marami ang di nakapagdala ng payong.

Isang lalaki ang bigla na lamang nagpresintang maghatid ng mga na-stranded na tao patungo sa sakayan dahil siya ay mayroong payong.

"Ayan, di baleng ako ang mabasa. Wag lang kayo," sabi ng di napangalanang lalaki.

Nang naihatid sina Noel, agad na umalis ang lalaki na di naghintay ng anumang kapalit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Patuloy pa rin itong tumulong sa iba pang di pa nakakasakay pauwi.

Makalipas ang ilang minuto, tumila na ang ulan at naabutan pa rin daw ni Noel ang lalaki. Aabutan niya sana ito ng pang-merienda ngunit tinanggihan daw ito.

Dahil dito, umani ng papuri ang lalaki sa kabutihang kanyang pinakita. Ayon pa nga sa caption ng post ni Noel, sa kabila ng mga di magagandang nagyayari na ngayon sa daigdig, mayroon pa rin talagang mabubuting puso na handang magmalasakit sa kanyang kapwa lalo na sa oras ng kanilang pangangailangan.

Umani ng nasa 49,000 reactions, 2.7 comments at 8.3 shares ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Former PBB housemates Jai and Joj join KapareWho; hosts react

Former PBB housemates Jai and Joj join KapareWho; hosts react

Former PBB housemates Jai and Joj join KapareWho; hosts react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel