OFW na labis na nagmahal, hiniwalayan ng GF at nakipagbalikan sa ex

OFW na labis na nagmahal, hiniwalayan ng GF at nakipagbalikan sa ex

-Wala nang nagawa ang OFW na si Ferdinand kung hindi ang humingi ng tulong matapos niyang hindi ma-contact ang kanyang nobya

-Bigla na lamang daw kasi siya nito hiniwalayan dahil nakipagbalikan na ito sa dating asawa at dahil daw siya ay pangit

-Ang masakit pa nito, umabot sa mahigit P500k ang naibigay niya sa nobya para sana sa kanilang future

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Taong 2020 sana planong magpakasal ng mag-nobyong Ferdinand Agam, isang overseas Filipino worker (OFW) at nobya nitong si Lyn Migano, mula sa Pangasinan.

Ngunit wala nang kasal na magaganap matapos makipag-hiwalay ni Migano at napag-alamang makikipagbalikan na ito sa dating asawa, ayon sa pahayag ng mga kaanak ni Agam.

Bukod pa rito, sinabi pa ni Migano pangit daw si Agam!

Kaya naman wala nang nagawa pa si Agam kung hindi humingi ng tulong sa kanyang ina at pamangkin na siyang dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action.

Dito na rin napag-alamang umabot na sa mahigit kalahating milyon ang naibigay ni Agam sa kanyang nobyang na si Migano liban pa sa mga gamit na naipundar nito.

Nang magkausap ang dalawa sa tulong ng programa, nais pa sana ni Agam na makipag-ayos sa kanyang nobya.

Tinutulan naman ito ng kanyang ina at pamangkin at sinabihan siyang maghanap na lamang ng ibang babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman din na kasal pa pala si Migano sa kanyang asawa at alam ito ni Agam sa simula pa lang ng kanilang relasyon.

Kaya naman ipinayo na lamang ni Raffy Tulfo na huwag nang ipilit pa ni Agam ang sarili sa nobya dahil kasal pa ito.

Napagkasunduan na lamang na ibalik ni Migano ang perang naibigay ni Agam maging ang mga gamit na binili gamit ang pera ng nobyo.

Sa update ng programa, nalaman ng KAMI na sasampahan ng kaso ng ina ni Agam si Migano sa bisa ng ipinadala nitong Special Power of Attorney.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Canadian, nilayasan ng misis na Pinay na mayroon daw karelasyon na lesbian

Canadian, nilayasan ng misis na Pinay na mayroon daw karelasyon na lesbian

Canadian, dumulog kay Raffy Tulfo para makausap ang misis na Pinay na naglayas
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel