Groupie ng mga guro sa beach habang naka-uniform, kinaaliwan ng netizens

Groupie ng mga guro sa beach habang naka-uniform, kinaaliwan ng netizens

-Kinaaliwan sa social media ang larawan ng apat na guro nasa beach habang naka-uniform pa

-Malapit na muli ang pasukan kung kaya naman bago nito ay magiging abala muna ang mga guro natin sa "Bgigada Eskwela"

-Ngunit ayon sa uploader, bakasyon na bakasyon pa sila kaya naman direkta na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bago pa man tuluyang magsimula ang pasukan taon-taon ay kinakailangan munang isagawa ang "Brigada Eskwela".

Ang programang ito ay sama-samang nilalahukan ng mga guro, ilang magulang at volunteers para sa mas ikagaganda at maayos na paligid para sa pasukan.

At dahil parte pa rin ito ng bakasyon ng mga guro, malaki ang pasasalamat ng marami sa isa sa mga tunay na bayani ng bayan.

Kaya naman kinaaliwan sa social media ang isang larawan kung saan apat na guro ang nakatampisaw sa dagat habang naka-uniform.

Ayon sa uploader na si Lux Demacia,

"Bakasyon na Bakasyon ka na pero MAY PASOK PA.

"Bakasyon na Bakasyon ka na pero MAY PASOK NA kaya REKTA na."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bumenta ito sa mga netizens na aliw na aliw sa gimik ng mga guro.

"Anong sabi po ng uniform... Lumabas ang papalag... Hahahaha."

"Hahahaha! Benta ma’am. Ang cuteeee!"

"ang lupet hehe!! loyalty award."

"Ang sipag niyo naman maam!!"

"Yan ang malupet! Outstanding na agad agad! Hehehe."

"Hahaha.... grabe tlga mga Lodi ko!"

"Iba to maam hahahaha."

"hahaha natawa nmn ako sa,mga ma'm."

"Grabe naman overtime niyo ma'am WAHAHAHA."

Para sa lahat ng mga guro, saludo ang buong KAMI sa inyo!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel