Vice Ganda, nagdagdag ng scholar mula sa madlang pipol sa It's Showtime

Vice Ganda, nagdagdag ng scholar mula sa madlang pipol sa It's Showtime

- Nagdagdag si Vice Ganda ng scholar mula sa madlang pipol sa TNT segment ng It's Showtime

- Isang fan sa audience ang nag-birthday at humingi ng hug mula kay Vice

- Agad naman niya itong tinawag at pinababa sa stage para ma-hug siya pero mas higit pa sa hug ang kanyang natanggap na pa-birthday blowout ni meme Vice

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naging sobrang galante si meme Vice Ganda kahapon sa Tawag Ng Tanghalan (TNT) ng It's Showtime at spotted ng KAMI ang super touching at masayang eksenang ito.

Isang fan ni Vice ang naispatan sa studio audience na may bitbit na papel na may sulat na birthday daw niya ngayon at umarte na pa-hug sa TV host.

Kaya naman tinawag ito ni Vice at pinababa sa stage para ma-hug siya pero bukod pa rito ay may bonggang sorpresa ito sa fan.

Sambit ni Vhong na Tin ang pangalan ng naturang fan, ayon na rin sa name tag na nakadikit sa kanyang dibdib.

Pagbahagi naman ni Tin na 22-year-old working student siya at nasa first year pa lang siya ng kanyang pag-aaral.

Biglang sumambulat si Vice na scholar na siya niya at siya na ang magbabayad sa kanyang pag-aaral pagkatapos tanunging kung ilang taon ang kurso nito.

Talaga namang isang bonggang pa-birthday ang handog ni Vice sa fan.

Una nito, isa ring binata ang galanteng binigyan ng blowout ni Vice Ganda kasama ang kanyang buong barkada.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Robin Padilla, namudmud ng pera sa mga kababayang Badjao

Robin Padilla, namudmud ng pera sa mga kababayang Badjao

Robin Padilla, namudmud ng pera sa mga kababayang Badjao
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel