Para raw magkaalaman! Bikoy, hinamon ng eye-to-eye si Sen. Trillanes

Para raw magkaalaman! Bikoy, hinamon ng eye-to-eye si Sen. Trillanes

-Matapos ang pagbaligtad ni Bikoy, sunod-sunod na nagbigay ng statement ang mga pangalang idinawit nito sa bagong rebelasyon nito

-Isa na rito si Senator Trillanes na mariing itinanggi ang lahat at nagbanta pang kakasuhan si Bikoy

-Hinamon naman ito ni Bikoy na magharap upang malaman daw ang totoo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sunod-sunod na nagbigay ng pahayag ang mga taong idinawit ni Peter Joemel Advincula o "Bikoy" sa mga bago nitong rebelasyon.

Anito, si Senator Antonio Trillanes IV at ang Liberal party ang totoong nasa likod ng "Ang totoong Narcolist" videos na layong pabagsakin at sirain si Pangulong Rodrido Duterte.

Matatandaang bago ang halalan ay pumunta si Bikoy sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang idawit ang pangulo at ang pamilya nito maging ang noo'y tumatakbo pa lang na si Senator Bong Go sa kalakalan ng droga.

Ngunit ang lahat daw ng ito ay gawa-gawa lamang ni Trillanes upang mapatalsik sa pwesto si Pangulong Duterte at pumalit si Vice President Robredo.

Pagkatapos ng eleksyon, isinuko ni Bikoy ang sarili sa mga pulis at sinabing hindi siya binayaran ng mga taong nag-produce ng mga videos.

“Hindi lang basta nagkausap kami ni Trillanes, ilang beses kaming nag-meeting.

"Itong Project Sonoma ay isang proyekto para pabagsakin si Pangulong Duterte at para paupuin si VP Leni Robredo. Hinahabol ni Trillanes bago matapos ang term niya ngayong June 30.” ani Bikoy sa press conference nitong Huwebes.

Gumagamit umano ng codename na "Stella" si Senator Trillanes sa durasyon ng paggawa ng mga videos.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang ulat ng KAMI, mariin nang itinanggi ni Senator Trillanes ang mga alegasyon ni Bikoy at sinabing sasampahan ito ng kaso.

Sa ulat naman ng Pinoy Trend, sinabi ni Bikoy na handa siyang harapin si Trillanes.

“Ang maganda niyan, magharap kaming dalawa… doon makikita kung sino ang nagsisinungaling, kasi doon makikita yung eye-to-eye contact yung bang magkakilala at saka yung matagal na,

“Ito ang tandaan niya, lahat ng ginawa namin noon may mga ebidensya akong hawak na makakapagpatunay na siya ang nasa likod [ng Bikoy videos]” sabi pa ni Bikoy.

Samantala, itinanggi rin ni VP Robredo ang mga alegasyon sa kanya. Maging ang ilang miyembro ng Otso Diretso ay nagbigay na rin ng kanilang pahayag matapos silang madawit sa kontrobersya na una nang naiulat ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel