Video ng lalaking naluha habang nanonood ng concert, nag-viral

Video ng lalaking naluha habang nanonood ng concert, nag-viral

- Viral ngayon ang video ng isang lalaki na naluha habang nanonood ng isang concert

- Makikinig sa video ang kantang 'Sana' ng bandang 'I belong to the zoo' at sumasabay naman ang lalaki na naluluha na

- Umabot na sa mahigit 300,000 views ang video na umani ng samu't saring reaksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng isang lalaki na di napigilang maluha nang kantahin na ng bandang 'I belong to the zoo' ang kantang 'Sana'.

May caption ang post na "Sana naman daw nagsasabi" at makikita ang lalaking lumuluha habang sumasabay sa kantang damang-dama talaga niya.

Di rin ito nahiyang ipakita ang emosyon niya at nakuha pa nitong kunan ng ng video ang banda kahit patuloy pa rin ang kanyang pagluha.

Samantala, tila naka-relate naman ang mga netizens sa lalaking ito. Nangyayari raw talaga ito minsan sa ating buhay kung saan tinatamaan tayo ng mensahe ng kanta.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Actually this is not funny. Yung affection niy siguro sa ex niya nandun pa din"
"Ganito din tayo mahal pag nanood tayo sa bandang to hahahaha"
"Ano nkakatuwa po? heheh nagmahal lng po sya..."
"ramdam ko sakit na nararamdaman nya"
"Nakakatuwa si kuya, di napigilan feelings niya"

Umabot na sa mahigit 300,000 views 7,000 reactions, 1,878 na komento at 7,527 na shares ang naturang video.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel