Otso Diretso bets, itinanggi ang pagkakadawit sa bagong rebelasyon ni Bikoy

Otso Diretso bets, itinanggi ang pagkakadawit sa bagong rebelasyon ni Bikoy

-Mariing itinanggi ng mga nadawit sa bagong rebelasyon ni Peter Joemel Advincula o mas kilala bilang si Bikoy

-Kabilang na rito ang mga natalong Otso Diretso bets sa nakaraang eleksyon

-Maging si VP Robredo at ilang senador na napasama sa bagong statement ni Bikoy ay itinanggi rin ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos idawit ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito, at maging ang bagong halal na si Senator Bong Go, nagbago na ang statement ni Peter Joemel Advincula o mas kilala bilang si "Bikoy".

Ayon dito, ang "Ang totoong Narcolist" videos ay gawa-gawa lamang upang sirain ang reputasyon ni President Duterte at ang noo'y tumatakbo pa lamang na si Go.

Ang may plano umano ng lahat ng ito ay si Senator Antonio Trillanes IV sa tulong ng Liberal party.

Mariin naman itong itinanggi ng ilang miyembro ng Otso Diretso.

"Maliwanag na kasinungalingan 'yan," ayon kay Magdalo party-list Representative Gary Alejano sa isang panayam sa Dobol B sa News TV.

Ayon kay Advincula, kabilang ang Otso Diretso bets sa mga nag-plano ng paninira sa pangulo at sinabi pa nitong nagkita-kita sila maliban kay Mar Roxas.

"Hindi ko nakaharap 'yan. I never met him. Sa Otso Diretso, hindi kami gagawa ng kalokohan para kami makapuwesto," sabi pa ni Alejano.

"Ang galing niya gumawa gawa ng kwento. Ang galing niya mangdamay. Kung naniniwala silang totoo yan, mag-file sila ng kaso sa korte. Hindi 'yung gumagawa gawa sila ng kwento sa press con," dagdag pa nito.

Ayon naman kay Romulo Macalintal na isa pang miyembro ng Otso Diretso, hindi totoo ang mga akusasyon ni Bikoy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Hindi ko nakakausap 'yan. Saka nakausap raw niya ang Otso Diretso? Hindi nga kami nakukumpleto eh," sabi pa nito ayon sa ulat ng GMA News.

"Sinasabi niyang wala si Mar Roxas kasi hindi naman talaga namin nakakasama si Mar Roxas, bihira lang. Kasi pag kasama namin siya, siya na lang ang napapansin dahil siya ang kilala ng tao. Kaya ang ginawa namin, hiwa-hiwalay kami," dagdag pa nito.

"I have met thousands of people during the campaign, but I have and will never meet somebody on such matters or under the circumstances Bikoy was referring to," ayon naman kay Samira Gutoc.

Samantala, itinanggi rin ni Chel Diokno ang pagkakadawit niya sa bagong statement ni Bikoy.

"Ang FLAG ay hindi abogado ni 'Bikoy.' Inilapit sa FLAG ang kaso, pero tumanggi ang FLAG, kaya ang naging sagot namin ay sa IBP na lang siya lumapit. Karaniwan namang ginagawa ito ng mga abogado pag tumanggi silang tanggapin ang isang kaso," anito.

Itinanggi rin ni Vice President Leni Robredo at ilang pang senador ang pagkakasama ng pangalan nila sa bagong statement ni Bikoy na naiulat na rin ng KAMI.

Samantala, sa isang ulat ng KAMI, sinabi naman ni presidential spokesperson Salvador Panelo na dapat patunayan ni Advincula ang kanyang bagong rebelasyon at maglabas ng ebidensiya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel