HS valedictorian na walang tirahan at namatayan pa ng ama, nabiyayaan ng $3 milyong scholarship

HS valedictorian na walang tirahan at namatayan pa ng ama, nabiyayaan ng $3 milyong scholarship

- Nakatanggap ng nasa $3 milyong scholarship ang high school valedictorian na si Tupac Mosley

- Sa kabila ng kawalan niya ng maayos na tirahan at pagkamatay pa ng ama di pa rin niya napabayaan ang kanyang pag-aaral

- Dinagsa si Tupac ng mahigit 12 na scholarship para sa pag-aaral niya ng kolehiyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang senior high school na si Tupac Mosley. Sa kabila ng mga matitinding pagsubok sa kanyang buhay, nagawa pa rin niyang maging high school valedictorian sa kanilang pagtatapos.

Sa ulat ni Gabriel Kinder ng CNN, walang permanente at maayos na tirahan si Tupac. Ang huling tinirhan nga ng kanyang pamilya ay isa lamang tent.

Ang masaklap pa nito, habang siya ay nag-aaral, pumanaw pa ang kanyang ama, bagay na mas nakadagdag pa ng isipin ng estudyante.

Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito, di nagpatinag si Tupac. Pinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral at nagtapos pa siya sa Raleigh Egypt High School na nagkamit ng unang karangalan sa klase.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa pinakita niyang husay at determinasyon sa pag-aaral, di niya akalain na aabot sa mahigit isang dosena ang mga scholarship na dadagsa sa kanya.

Sa dami nito, umabot sa 3 milyong dolyar o nasa 150 million pesos ang halaga ng scholarship na binigay sa kanya.

Di inikala ni Tupac na ganitong klaseng biyaya ang kanyang matatanggap. Di rin niya ito nalaman hanggang noong kanilang graduation day kung kailan ito ginawad lahat sa kanya.

Malaki ang pasasalamat ni Tupac sa kanyang pamilya na di rin bumitaw sa pagsuporta sa kanya anuman ang estado nila sa buhay.

Ngayon, wala nang babagabag pa kay Tupac lalo na at sa Setyempre, papasok na siya sa Tennessee State University bilang kolehiyo at napili niyang kunin ang kursong electrical engineering.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Lucy Torres, beautiful lady in red sa new photoshoot

Lucy Torres, beautiful lady in red sa new photoshoot

Lucy Torres, beautiful lady in red sa new endorsement photoshoot
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel