Kapwa magulang, nilinaw ang akusasyon ng isang ina sa binagong grades ng anak

Kapwa magulang, nilinaw ang akusasyon ng isang ina sa binagong grades ng anak

- Nag-viral ang post ng isang ina na nagsasabing binago ng guro at pinahintulutan pa ng principal ang pagbibigay ng "70" na grade sa kanyang anak

- Umani ang naturang post ng simpatiya sa ina kahit di naging malinaw kung ano ang dahilan ng pagbabagsak sa kanyang anak

- Isang magulang ang naglakas ng loob na linawin ang dahilan bakit nagawa ito ng paaralan at ito'y dahil sa kasunduang ibabagsak ang bata kung pa rin ito makabasa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging agaw eksena sa social media ang post ng ina na si Satira V. Orig patungkol umano sa mga binagong grade ng kanyang anak.

Sa kanyang post, humihingi raw ng opinyon ang inang ito sa naging sitwasyon ng kanyang anak sa paaralan kung saan iba ang nakuhang grade nito mula una hanggang ikatlong markahan at laking gulat na lamang niya nang makitang naging 70 na lahat ito pagdating ng ikaapat markahan maging ang final grade.

Nangangahulugan lamang na retained ang kanyang anak sa kung anumang grade level nito bagay na ikinasasama ng loob ng ina.

Sinabi pa nito na nagbanta pa raw umano ang punungguro ng paaralan na huwag nang magsumbong pa sa Department of Education dahil sila din naman ang maghaharap para mag-usap.

Dahil dito mas lalong nag-igting ang mga emosyon ng netizens at naki-simpatiya sa sama ng loob ng ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, isang magulang ang naglakas loob isiwalat at paninindigan ang totoong "kwento" o nangyari bakit nagkamit ng bagsak na grado ang batang mula raw sa Atimonan Central School.

Sa komento ng netizen na may pangalang Queences Joy sa Facebook, may nakausap itong guro na kaharap mismo ng magulang na nagrereklamo at ng principal.

Wala raw pagbabantang ginawa ang principal sa magulang patungkol sa pagsusumbong nito sa DepEd. Malinaw di umano sa kanilang naging usapan na kapag di nakabasa ang bata pagkatapos ng panuruang taon, ibabagsak talaga ito.

Maging ang mismong bata raw ay alam ang usapang ito at sa kasamaang palad ay di pa rin nga ito nakabasa.

Madalas din daw lumiban ang bata sa klase na isa pang maaring dahilan kumbakit ito bumagsak.

Laking gulat na lamang daw ng paaralan na gumawa ng ganitong kontrobersiya ang ina ng kanilang estudyante at di lang pala ito ang unang beses na ganito ang nangyari.

Ayon pa kay Queences, di na raw naawa ang ina sa inakusahang guro ng anak na magreretiro na pala ngunit nasangkot pa sa gulo na hindi naman sana naging gulo.

Pinayuhan na rin niya ang magulang na ilipat na lamang ang bata sa mas malapit na paaralan sa kanilang lugar.

Dagdag pa ni Queences, magagaling ang mga guro ng Atimonan Central School kaya naman naawa siya sa gurong naging tampulan ng sisi ng magulang.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding

Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding

Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel