Pangulong Duterte, 'di daw makikialam sa trabaho ni Senator Bato dela Rosa

Pangulong Duterte, 'di daw makikialam sa trabaho ni Senator Bato dela Rosa

-Inamin mismo ng bagong halal na senador na si Bato dela Rosa na tinawagan niya si Pangulong Duterte para humingi ng advice

-Ngunit sinabi raw ng presidente na hindi ito makikialam sa trabaho ni Senator Bato

-Bukod sa pagsulong nito sa death penalty ay nais rin daw ng bagong senador na magkaroon ng mas malawak na kaalaman ang lahat tungkol sa drug-awareness and resistance

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi raw makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa trabaho ng bagong halal na senador na si Ronald "Bato" dela Rosa.

Ito mismo ang ipinabatid ng presidente kay dela Rosa matapos niya raw itong tawagan kamakailan matapos manalo sa nakaraang halalan.

"Alam niyo the other night tinawagan ko si Presidente... Tinanong ko siya, 'Sir, any advice, any guidance bago ako makapasok sa Senado?'

"Alam mo sabi niya sa akin? 'Bato, you are already a senator of the Filipino people, you are not a senator of Duterte," kwento pa ni Bato ayon sa GMA News.

"Hindi kita pakialaman sa trabaho mo. So sabi ko, 'Yes Sir, Maraming salamat po'," sabi pa ng dating Philippine National Police chief.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagkaroon ng pagkakataon ang media namakapanayam si Bato sa isang press conference matapos ang proklamasyon para sa mga nanalong senador.

Ika-lima si dela Rosa sa ranking ng Magic 12 na nanalo sa pagka-senador ngayong taon at umani ng 19,004,225 na boto.

Matatandaang naging kontrobersyal si Bato sa kalagitnaan ng bilangan matapos nitong sabihin na handa siyang sumabak sa training o seminar para sa mga bagong senador, na naibalita rin ng KAMI.

Ayon pa sa ulat, inamin rin ng bagong senador na may mga pagkakataon ding hindi sila nagkakasundo ng presidente.

At natutuwa siya dahil tinatanggap naman ng Chief Executive ang kanyang mga opinyon 'pag dating sa ilang bagay.

"Meron pero di ko puwede ibigay sayo ang details basta meron na kaming mga disagreements noon, vinovoice out ko sa kaniya ang aking mga opinyon at very open-minded naman siya,"

Bukod sa pagsusulong na mapatupad na ang death penalty sa bansa, nais rin daw ni Bato na magkaroon ng batas na magsusulong para mas mapalawak ang kaalaman ng marami kaugnay sa droga.

"Gusto ko na magkaroon ng batas na magsasabi na 'yung drug-awareness and resistance and education, dapat magiging integral part 'yan sa curriculum ng lahat ng level ng education," anito.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Labi ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa

Labi ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa

Bangkay ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel