Batang gumamit ng dahon dahil walang pambili ng papel, may matataas na grades

Batang gumamit ng dahon dahil walang pambili ng papel, may matataas na grades

-Isa si Jhesa Balbastro sa mga naitampok sa presidential debates noong 2016

-Ang batang ito, nagawang gumamit ng dahon dahil wala silang pangbili ng papel

-Sa kasalukuyan ay incoming grade 9 na si Jhesa at ayon sa kanyang mga magulang ay nakakakuha ng matataas na grades

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng kahirapan, sinisikap ng 14-anyos na si Jhesa Balbastro, ang binansagang "Dahon girl", ang makapagtapos ng pag-aaral.

Taong 2016, sa presidential debates naitampok ang istorya ni Jhesa upang mas maipabatid ang kahirapang dinaranas ang ilan nating mga kababayan

Napag-alamang gumamit ng dahon ang batang Jhesa sa halip na papel dahil wala silang pangbili nito.

"May spelling test po kami noon. Walang pera po kami pambili ng papel. Nahiya po akong manghiram ng papel sa mga kaklase ko kaya dahon na lang sinulatan ko," anito sa isang panayam dito ng ABS-CBN News.

Dagdag pa nito, pinagtawanan siya ng kanyang mga kaklase.

Ngunit para kay Jhesa, mas mahalaga na makakuha siya ng test noong mga panahong iyon dahil mahalaga sa kanya ang edukasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At ngayon, isa nang incoming grade 9 si Jhesa at nanatili siyang pursigido na makapagtapos ng pag-aaral.

Masaya ang kanyang mga magulang dahil sa kabila ng hirap ng kanilang buhay ay nakakakuha pa rin ng matataas na marka ang anak.

Sa panayam sa gurong si Mary Ann Doroy na siyang kumuha ng larawan ni Jhesa habang nagsusulat ito sa dahon, isang simbolo si Jhesa ng maraming batang nagsusumikap makamit ang edukasyon sa kabila ng matinding kahirapan.

Umaasa si teacher Mary Ann na magsilbing inspirasyon si Jhesa para sa ibang estudyante at sana rin daw ay wala nang estudyante pang kinakailangang gumamit ng dahon dahil walang pangbili ng papel.

Para naman kay Jhesa umaasa siyang makakamit rin ang mailap na pangarap sa tulong na rin ng mga may ginintuang puso.

Narito ang video ni Jhesa noong taong 2016 mula sa ABS-CBN News:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magandang supplier, sabay na niloko mga online sellers, pinadalhan ng mga bulok na diaper

Magandang supplier, sabay na niloko mga online sellers, pinadalhan ng mga bulok na diaper

Magandang supplier, sabay na niloko mga online sellers, pinadalhan ng mga bulok na diaper
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel