Wowowin contestant na may 34 taong agwat sa asawa, hinangaan ng marami

Wowowin contestant na may 34 taong agwat sa asawa, hinangaan ng marami

- Marami ang bumilib sa love story ng Wowowin constestant na si Ghemz na may partner na 34 taon ang tanda sa kanya

- 13 anyos pa lamang nang nabuntis nito si Ghemz at magpasa-hanggang ngayon ay sila pa rin ang magkatuwang sa buhay

- Mas lalong humanga ang manonood maging ang hosts na sina Willie Revillame at Michael V nang ipahayag ng bawat isa ang kanilang nadarama na sila na ang masasabing "forever" nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa kakaibang love story ng Wowowin constestant si Ghemz at asawa nitong si mang Bert.

Binahagi ang GMA news ang bahagi ng Wowowin kung saan in-interview ng mga hosts ng programa si Ghemz.

Doon nalaman nilang 13 pa lamang ito nang mabuntis ni mang Bert na 34 taon ang tanda sa kanya.

Ang mas nakakabilib pa sa kanila, magpasahanggang ngayon na 66 ang mister, sila pa rin ang magkatuwang sa hirap at ginhawa.

Bago pa man maging emosyonal ang mga nanonood sa studio, nabanggit ni mang Bert na pangwalong asawa na pala niya si Ghemz ngunit binigyang linaw niya na ito na raw ang "forever" niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpasalamat din si Bert nang kay Ghemz dahil sa pagmamahal nito sa kanya.

Kailanman at saanman, di raw siya kinahiya nito kahit pa malaki ang agwat ng kanilang edad.

Bakas sa dalawa na totoong nagmamahalan sila. Patunay na rito ang kanilang bunsong anak na kasama nila sa studio. Saksi ito sa tatag ng relasyon ng kanyang mga magulang.

Ang nakakabilib pa kay Ghemz, consistent honor student sila ng kanyang anak. Senior high school student si Ghemz habang nasa grade 9 naman ang anak kaya pareho silang pumapasok sa paaralan.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel