Grab driver, pinuri ng netizens matapos tulungan ang pasaherong may emergency

Grab driver, pinuri ng netizens matapos tulungan ang pasaherong may emergency

-Bukod sa pagtulong sa kanyang pasahero na dumanas ng isang emergency, hindi pa nagpabayad ang isang Grab driver na nag-viral sa social media

-Bilang pasasalamat, ibinahagi ng pasahero ang kabutihan ng Grab driver sa kanyang Facebook account

-Dahil dito, umani ng mga papuri at paghanga ang driver mula sa marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, buong pagmamalaking ibinahagi ng netizen na si Khaye Flores Crisologo ang kanyang pasasalamat sa Grab driver na si Rodriguez Buesa Santos.

Ayon kay Crisologo, walang pag-aatubili na tumulong sa kanya ang mabuting driver.

Nang malaman nito na emergency kaya nila kinailangan ng Grab car ay siniguro nitong mabilis ngunit ligtas silang makakarating sa ospital.

"When he asked me about the destination I told him sa ER ng DLSMC then he said " emergency pala to mam" he saw my son na sunken eyeballs na and iyak ng iyak he drove as fast as he could but super safe Pa din naman."

Hindi rin umano sila basta iniwan nito at bagkus ay tinulungan pa siya nito na buhatin ang kanilang mga gamit.

"He started helping me with my things and handed it over sa guard sa ER."

Hindi na rin daw nito tinanggap pa ang kanyang bayad para sa serbisyo nito at sa halip ay sinabi nitong gamitin na lamang sa pagpapagamot sa kanyang anak.

"Upon reaching the hospital, I am giving him the payment but he refused to get it. I insisted the payment but he said gamitin na lang para kay baby."

At ang mas kahanga-hanga pa rito ay ang katapatang ipinakita nito nang maiwan ni Crisologo ang kanyang cellphone sa sasakyan nito.

Nang makita ito ay agad daw nitong ibinalik ito sa kanya.

"I even left my phone inside the car but he gave it to me before he leaves."

Dahil dito, umani ng papuri at paghanga ang Grab driver dahil sa kanyang kabutihang-loob at katapatan.

"Sana lahat ng driver katulad mo.mabuhay ka..GOD Bless."

"MGA MABUBUTING TAO PINAGPAPALA. SANA DUMAMI ANG MGA GAYA MO."

"God bless u manong driver at napakabuti mo."

"Wow mabuhay ka kuya sana pag palain ka ng DIYOS sa kabutihan mo nagawa"

"Saludo para kay Sir."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"you're one in a million now days bro keep up the good work.....GOD BLESS."

"Im proud to you kuya GOD BLESS PO SAYO at nawa pagpalain ka ng diyos sa kabutihang ginawa mo kahit na ganun ang trabaho mo mas iniisip mo yung sitwasyon ng bata.nawa maraming tulad mo pa ang meron dito sa mundo."

"Yan ang mga dapat tularan..God will bless you."

"gling mo kuya ..sana maulanan k..para dumami ang katullad mo..godbless."

"Sana ALL! Thanks to this post! Reminded me that not all people are greedy."

"God knows your heart po kuya,hindi malilimutan ni Lord ang ginawa mo..I believe you are blessed and more blessings to come."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dismayadong bride, inereklamo ang isang designer na kinuha para sa kaniyang kasal

Dismayadong bride, inereklamo ang isang designer na kinuha para sa kaniyang kasal

Dismayadong bride, inereklamo ang isang designer na kinuha para sa kaniyang kasal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel