Buhawing puminsala sa nasa 30 kabahayan sa CamSur, sapul sa video

Buhawing puminsala sa nasa 30 kabahayan sa CamSur, sapul sa video

- Nakunan ng video ang buhawing namataan sa Brgy. Palo, Canaman, Camarines Sur kahapon, Mayo 21

- Tumagal ng nasa 15 minuto ang pananalasa ng ipo-ipo kasabay ng malakas ng pag-ulan

- Tinatayang nasa 30 kabahayan ang napinsala ng buhawi at ang ilan ay nawalan pa ng linya ng kuryente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binulabog ng buhawi ang Brgy. Palo, Canaman, Camarines Sur kahapon, Mayo 21.

Nakunan ng netizen na si Rene Imperial ang mismong paggalawa ng buhawi sa lugar.

Ayon sa ulat ng Philippine Star, umabot din ng 15 minuto ang tagal ng pananalasa ng ipo-ipo na bandang 1:00 ng tanghali ng Martes.

Nasa 30 na kabahayan naman ang sinabing napinsala ng kaganapan habang 13 sa mga ito ay talagang nasira na.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Base pa sa ulat ng Bombo Radyo Naga, mutik pang masunugan ang isang kabahayan sa lugar nang maputol ang linya ng kuryente roon.

Namamalagi na sa mga evacuation centers ang mga nasalanta hangga't wala pang hudyat ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Canaman na maari na silang bumalik sa kani-kanilang lugar.

Inaalam pa ng ng awtoridad ang kabuuang pinsala sa lugar na gumulat sa mga residente doon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Robin Padilla, namigay ng pera sa mga kababayang Badjao

Robin Padilla, namigay ng pera sa mga kababayang Badjao

Robin Padilla, namudmud ng pera sa mga kababayang Badjao
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel