Power of love! Dalawang PWD sa Cebu City, pinagtagpo at ikinasal

Power of love! Dalawang PWD sa Cebu City, pinagtagpo at ikinasal

-Pinagtagpo at sa huli ay nauwi rin sa simbahan ang love story ng dalawang PWD sa Cebu City

-Hindi naging hadlang ang kanilang kondisyon upang sila ay umibig at mahalin

-Kaya naman marami ang humanga sa kanilang relasyon lalo pa at nagkaroon ito ng happy ending

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mayroon mang kapansanan, hindi pa rin ito naging hadlang upang makita ng isa't-isa ang kagandahan ng bawat isa.

Para sa dalawang Person with disabilities (PWD) na ikinasal nito lamang Linggo, Mayo 19 sa Cebu City, mas makapangyarihan ang pag-ibig.

Kaya naman ang kanilang love story umani ng paghanga mula sa marami.

Sa Facebook page ng Lapu-Lapu city Government, ibinahagi ang ilang larawan sa pag-iisang dibdib nina Godfrey Paquibot, 41, at Irish Bariquit-Paquibot, 31.

Ginanap ang kanilang kasal sa St. Augustine De Hippo Parish Langtad, Naga City kung saan nagmula ang bride.

Sa isang article ng Cebu Daily News, napag-alaman ng KAMI na si Godfrey ay nagta-trabaho bilang house parent sa Lapu-Lapu City Social Welfare and Development (CSWDO).

Habang si Irish naman ay nasa City Civil Registrar’s office.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagsimula ang kanilang love story nang ipakilala sila sa isa't-isa ng isa nilang kasamahan sa trabaho.

Agad naman daw nagkapalagayang-loob ang dalawa hanggang sa maging opisyal na magkasintahan noong April 2017.

Sabi pa ng groom, agad siyang nabighani kay Irish dahil sa pagka-malambing nito. Parati raw nitong sinisiguro na siya ay kumakain ng maayos.

Napagpasyahan daw nilang sa Naga City ikasal dahil doon nagmula ang kanyang misis at napagkasunduang sa kanyang bahay naman sa Barangay Mactan, Lapu-Lapu City sila magsisimula ng buhay may-asawa.

Nagpasalamat si Godfrey sa mga taong tumulong sa kanila sa paghahanda ng kanilang kasal maging kay Mayor Mayor Paz C. Radaza na binigyan siya ng pagkakataong makapag-trabaho sa City Hall.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look sa socmed

Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look sa socmed

Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel