Girl power! Babaeng cadet na tubong Ilocos Sur, nanguna sa PMA Class 2019

Girl power! Babaeng cadet na tubong Ilocos Sur, nanguna sa PMA Class 2019

-Isang 21-anyos na babae ang nanguna ngayong taon sa Philippine Military Academy (PMA)

-Kinalala itong si Cadet First Class Dionne Mae Apolog Umalla na magtatapos bilang valedictorian

-Ihahandog sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Linggo ang Presidential Saber award kabilang ang 13 iba pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umangat ang galing ng isang babaeng kadete ngayong taon sa Philippine Military Academy (PMA).

Kinilala itong si Cadet First Class Dionne Mae Apolog Umalla, 21-anyos at tubong Ilocos Sur.

Magtatapos si Umalla bilang valeditorian matapos nitong manguna sa 262 mistahs ng PMA Mabalasik Class ng 2019.

Isa ito sa 73 babaeng kadete na magtatapos bilang parte ng Class Mandirigma ng Bayan Lakas at Sarili Iaalay para sa Kapayapaan (Mabalasik).

Si Umalla ang ang ika-limang babaeng nanguna sa PMA matapos unang tumanggap ang Asian military institute ng babae noong 1993.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kasama ang dalaga sa mga hahandugan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential Saber award ngayon Mayo 26, araw ng Linggo na gaganapin sa Fort del Pilar.

Sa isang ulat ng Rappler, napag-alaman ng KAMI na bunso ang dalaga sa apat na magkakapatid.

Grade 2 pa lamang daw ito nang iwan sila ng sundalong ama para magkaroon ng ibang pamilya at simula noon ay hindi na niya ito nakita.

Ayon kay Umalla, ang kanyang ina ay itinuturing niyang bayani dahil mag-isa sila nitong itinaguyod simula nang iwan sila ng kanilang padre de pamilya.

Mula sa KAMI, taos-puso ka naming binabati Cadet First Class Dionne Mae Apolog Umalla!

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look sa socmed

Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look sa socmed

Sarah Lahbati, nag-trending ang agaw-pansin gorgeous OOTD langoy look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel