Video ng pasaherong ayaw mag-abot ng bayad sa jeep, kinagiliwan ng netizens

Video ng pasaherong ayaw mag-abot ng bayad sa jeep, kinagiliwan ng netizens

- Viral ngayon ang kwelang video ng pasaherong ayaw mag-abot ng bayad sa jeep

- Kadalasan kasi, ayaw umupo ng pasahero sa may unahang bahagi ng jeep dahil sila ang nagiging taga-abot ng bayad sa driver

- Umani ng samu't saring reaksyon ang video at ang karamihan ay natawa na lamang dahil sa nagkaroon daw sila ng ideya sa susunod na mauupo sila sa may unahang bahagi ng jeep

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa video na binahagi ng netizen na si Crismel Gida patungkol sa pasahero ng jeep na ibang klase ang pag-aabot ng bayad sa driver.

Makikita sa maiksing video na imbis abutin ng pasaherong malapit sa driver ang inaabot na pamasahe ng isa pang pasahero, mismong braso nito ang kanyang hinawakan para maiabot mismo nito ang pamasahe sa driver ng jeep.

Naloka ang mga netizens na nakapanood sa maiksaing video at nagkaroon pa sila ng ideya kung ano ang gagawin sakaling may makasakay silang ganitong klaseng pasahero.

Kadalasan kasi, ayaw maupo ng pasahero sa may unahang bahagi ng jeep malapit sa driver dahil sila umano ang nagiging taga-abot nito ng bayad.

Ang masaklap pa minsan, naghihitay pa talaga ang nasa dulong bahagi ng jeep ng uupo sa may driver para maiabot ang kanyang bayad.

Kaya naman umani ng iba't- ibang reaksyon ang naturang post na ang karamihan ay natawa na lamang sa kakaibang ginawa ng pasahero.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

"Iba nga sinusungitan pa ko. Wag ka dyan pumwesto oy. O kaya bumili ka sarili mo sasakyan. Hahaha"
"Ganito pala ang gagawin ko sa susunod, pwede naman sila mismo ang mag-abot o, bakante pa yung kabilang side na unahan!"
"Daming ganyan dedma lanq kunwari walang nakita"
"O ano, nakahanap ka ng katapat mo!"
"Hahahahahha. ayos to ah! magawa nga sa sunod!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Baron Geisler cries hard during ‘Magandang Buhay’ guesting

Baron Geisler cries hard during ‘Magandang Buhay’ guesting

Baron Geisler breaks down during ‘Magandang Buhay’ guesting
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel